Florante at Laura
ni Francisco Baltazar
(A Complete Modern Tagalog Version)
Upang maraming saknong ang mapag-aralan, inihanda dito ang kahulugan ng mga salitang may kaunting kahirapan, nang sa ganoon ay hindi maaksaya ang panahon sa paghahanap ng mga kahulugan. Ang mga salitang may kahirapan ay kinuha sa bawat taludod ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang mga salitang ito ay binigyan dito ng kahulugan sa Ingles at sa Filipino upang madaling maunawaan ng mga mag-aaral. Ang paghanap pa ng mga kahulugan ay hindi lamang nakaka-aksaya ng panahon kundi makasisira pa rin sa makabuluhang pag-unawa sa takbo ng tula.
Maraming mga salitang ginamit sa tula ang mapapansing kakaiba sa mga ginagamit ngayon. Mababasa din ang mga salitang gaya ng nahan
, nanasa
, mupo
, nukal
atbp. Huwag isaisip ninuman na ang mga ginagawang ito ay isang pagmamalabis ng makata; sa ibang salita, upang maiayon sa sukat na lalabindalawahin. Hindi na natin naririnig sa karaniwang usapan ang mga salitang ito.
Pinagdaanang Buhay
ni
Florante at ni Laura
Kinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang
nagsasabi sa mga nangyayari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula
ng isang matuwain sa bersong Tagalog.
ni
Francisco Baltazar