Mga Talasalitaan
- Aberno
- isang lawa na ayon sa paniniwala ay siyang pinakapintuang papunta sa impiyerno
- Adarga
- kalasag o pananggang pabilog na balat
- Adonis
- isang baguntaong sakdal ganda, anak ni Siniro na hari sa Tsipre
- Albanya
- isang lupaing sakop ng Gresya
- Alkon
- isang ibong kaaway ng lahat ng uri ng ibon at iba pang mga hayop
- Apolo
- anak na lalaki nina Hupiter at Latona
- Atenas
- ang pangunahing bayan ng Gresya at bayan ng mga batang matatalino sa Gresya
- Aurora
- anak ng Araw at Buwan (Baltazar)
- Bai
- isang bayan ngayon sa Laguna
- Basilisco
- isang hayop na may anyong butiki, umano ang hininga at kislap ay nakamamatay
- Beata
- isang ilog sa purok ng Pandakan, lungsod ng Maynila
- Benus
- ang diyosa ng kagandahan na umano ay anak ni Hupiter kay Diyone
- Buwitre
- isang uri ng ibong mandaragit na ang ikinabubuhay ay mga laman ng hayop na patay
- Cipres
- isang uri ng punong-kahoy sa bundok; tuwid, malaki at malilim ang tubo, paitaas na lahat ang ayos, hugis-puso, karaniwang itinatanim sa puntod
- Diana
- ang diyosa ng liwanag
- Edipo
- anak ni Layo na hari sa Tebas at Reyna Yokasta
- Epiro
- isang matandang purok sa Timog-Kanluran ng Turkia at Hilagang-Kanluran ng Gresya
- Emir
- salitang Turko; ngalan ng isang may mataas na tungkulin sa pamahalaan ng Turkia na katumbas ng gobernador militar
- Etolya
- isang lupaing sakop ng matandang Gresya
- Etyokles
- kapatid ni Polinese at anak ni Edip na hari ng Tebas at Reyna Yokasta
- Furias
- mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impiyerno ay upang sila ang magparusa sa mga makasalanan sa lupa
- Harpyas
- isang ibong may mukhang babae, kawawang ibon, baluktot ang kamay at nakakabit sa pakpak
- Hauris
- isa sa mga dalagang sakdal ganda na likha ng isipang makapapanampalataya ng mga musulman na ang tungkulin ay umakay ng mga mapapalad na pinagpala sa paraiso
- Hiena
- isang uri ng hayop sa Aprika, ang mukha nito ay kahawig ng lobo
- Higera
- mayabong na punong-kahoy na malalapad ang mga dahon, di namumunga, baog
- Kosito
- isang ilog sa Epiro na makamandag ang tubig
- Krotona
- ito ang bayan o kaharian ng nuno sa ina ni Florante
- Kupido
- diyos ng pag-ibig ayon sa alamat ng mga Griyego
- Marte
- kinikilalang bathala ng digma
- Medyaluna
- ang tinutukoy ay bandila ng mga Moro na ang kulay ay pulang-pula at may anyo ng kalahati ng buwan
- Narciso
- isang binatang sakdal kisig, anak ni Celfrino at ni Girope
- Nayadas
- mga diyosa na nananahan sa dagat o bukal na sinasamba ng di-binyagan
- Nimpas
- mga diyosa na nanahanan sa tubig at bundok
- Oreadas Nimpas
- mga diyos ng kalikasan na sinasamba ng mga hentil
- Pama
- isang uri ng diyosang sinasamba ng mga di-binyagan at tagapaglathala ng Gawain ng tao
- Panggabing ibon
- mga ibong malabo ang mga mata kung araw, kagaya ng kuwago at paniki
- Parkas
- mga diyosa ng kamatayan at tadhanang karatnan ng tao
- Pebo
- (araw) ito ang tinataguri ng mga makatang Latino at Griyego
- Persia
- isang kaharian sa dakong Asya na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Moro
- Petako
- isa ito sa pitong pantas ng Gresya
- Pica
- sibat
- Polinese
- anak ni Edipo, hari ng Tebes at Reyna Yokasta
- Pluto
- kinikilalang hari ng Impiyerno
- Puryas
- mga Diyos sa Impiyerno at binubuo ng tatlong babae: sina Megaera, Tisiphon at Alecto
- Reynong Albanya
- isang malaking siyudad sa Imperyo ng Gresya
- Sierpe
- ahas o serpiyente
- Sihesmundo
- isang tauhan sa tulang “Buhay ni Sihesmundo”, nakababago ng tula ay nasira ang isinulat
- Sirenas
- diyosa ng karagatan at kalahati ng katawan ay babae at kalahati ay isda
- Nimpas
- mga diwata o diyosa na naninirahan sa gubat, ilog, batis at bundok
- Tigre
- isang mabangis na hayop
- Venus
- diyosa ng pag-ibig at kagandahan