Mga Kawikaang Tagalog

(Tagalog Idioms)

Ang kawikaan, talinhagang bukambibig o idyoma ay bahagi ng wikang Filipino.  Ito ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit na nakakatulong at mabisang paraan para maging maganda at makabuluhan ang mga bawat salita na ating ginagamit.  Ito ay bahagi ng Panitikang Pilipino na nagpasalin-salin mula noon hanggang ngayon.

Masasabing ang mga idyoma ay ang pinaka-mahirap matutunan sa pag-aaral ng bagong wika.  Naririto ang bersyong Tagalog-Ingles ng mga kilalang Kawikaan/Idyomang Filipino.  Makikita rito ang mga kahulugan sa Ingles upang sa gayon ay mas lalong maunawaan ang mga ito ng mga mambabasa mula iba't-ibang lahi.

ahas-bahay
laging nasa tahanan.
(home buddy.)
agaw-buhay
naghihingalo na.
(dying.)
balat-kayo
nagkukunwari.
(disguise.)
biglang-yaman
nagkaroon agad ng malaking kayaman.
(suddenly gotten rich.)
bukas-palad
matulungin o mapagbigay sa ibang tao.
(helpful.)
bungang-isip
sariling likha.
(own creations.)
hating kapatid
pantay na hatihaan.
(equal share.)
kapitbisig
pagtutulungan.
(cooperation.)
lumang-tugtugin
nakasanayan na.
(habit.)
mababang-loob
madaling maawa.
(very compassionate.)
mababa ang luha
madaling umiyak.
(easy to cry.)
madulas
mahirap mahuli-huli.
(elusive.)
tanging-yaman
bagay na ipinagmamalaki.
(a thing that is treasured.)
tawang-aso
tawa na hindi bukal sa loob.
(a laugh that is not genuine.)
walang-buto
hindi matatag.
(weak.)
walang utang na loob
hindi marunong tumanaw ng pinakitang kabutihan.
(does not know how to appreciate kindness.)

Here are the complete list of Idiomatic Expressions (idioms) in the Filipino Language or "Mga sawikain o kawikaang Tagalog" from Leksyon Tagalog / Filipino Dictionary:

Pages

Learn this Filipino word:

nagbayad ng mahál
 
Subscribe to RSS - Mga Kawikaang Tagalog (Tagalog Idioms)