Mga Pabula

(Fables)

Ang Pabula ay isang maikling kuwento na kinapapalooban ng aral ng mga babasa nito.  Ito ay kadalasang gumagamit ng mga hayop na tauhan, mga halaman o mga bagay o gamit na nagsasalita, kumikilos at nabubuhay ng parang isang tunay na tao.  Ipinupunla ng mga pabula sa isip ng mga bata ang katapangan, kagitingan, kagandahang asal, pananampalataya sa isang Lumikha, at iba’t iba pang pag-uugali ng tao.

Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento.  Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan.  Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna sa pabula.

Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa lamang, ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.  Sa paglipas nang panahon ang pabula ay ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata bago sila patulugin ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil ito ay ginagamit sa ibang paraan upang kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan.  Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga katunggali sa negosyo.

Fables is a short story which contains a moral applicable to humanity.  Human qualities are ascribed to animals or plants, designated usually to show the cleverness of one and the stupidity of another.

Learn this Filipino word:

mabuti ang ulo
 
Subscribe to RSS - Mga Pabula (Fables)