Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw.  Maganda na ang panahon.  Namasyal ang mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa.  Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginain ng sariwang damo.  Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw.  Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa kanilang ina.

Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigan.  Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa.  Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa. Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog, pakiusap ni Pagong Daldal.

Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno.  Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim.  Kung minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay.

Namongan gives birth to Lam-ang, a baby of incredible strength and courage. The boy asks his mother about his father's whereabouts and learns that he has gone to fight the Igorot. Lam-ang arms himself with charms and decides to look for his father. From a dream, he learns that his father Don Juan Panganiban had been killed by the Igorot. Later, Lam-ang finds the Igorot in a "sagang", a feast celebrating a successful headhunting expedition.

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan.  Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa.  Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.  

Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa pananampalataya.

Kayganda ng buwan! Kay init ng araw! Kay ganda ng mga bituin! Saan-saan sila galing? Ayon kay Impong Tasyo ganito raw ang kuwento: Noong unang panahon, malapit ang langit sa lupa.  Iisang lalaki at iisang babae ang nakatira noon sa mundo.  Ang pagtatanim ng palay ang kanilang ikinabubuhay.  Noon, binabayo pa nila ang palay bago sila magsaing.  Kung ano ang hirap ng pagtatanim ay ganoon din ang hirap ng pagbabayo ng palay.

Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal.  Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at maka-Diyos.  Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak.  Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit.

Pages