May isang tahanang malaki’t marikit, Langit ang bubungan at lupa ang sahig. Bawat silid nito’y may bundok na dinding, Dagat at batisan ang siyang salamin. Palamuti naman ang tanang bulaklak, Tala at bituin ang hiyas na sangkap. Maraming laruang nakapagtataka: Isdang lumalangoy, ibong kumakanta…

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan.  Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa.  Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.  

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan.  Siya ay malaki, mabilis at malakas.  Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.  Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe.  Pinatatag nila ang kanilang nayon.  Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat.

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig.  Siya ay mabangis at ubod ng sakim.  Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya'y lapitan.  Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-asawa na.

Isang umaga, ang tupa ay naglalakad galing sa pastulang malapit sa libis ng bundok.  Siya ay nanginain doon ng sariwang damo.  Walang anu-ano’y nakarinig siya ng isang magandang tinig na buhat sa kung saan.  Dahil sa pananabik ay hinanap niya ang tinig na iyon.  Ang tinig ay buhat sa kuliglig.  Pinilit niyang hanapin ang kuliglig.

Taga-lunsod sina Roy at Lorna.  Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon.  Marami at sariwa ang pagkain sa bukid.  Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay.  Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Pages