Ibig Maging Tenor

(Pabula / Fable)

Isang umaga, ang tupa ay naglalakad galing sa pastulang malapit sa libis ng bundok.  Siya ay nanginain doon ng sariwang damo.  Walang anu-ano’y nakarinig siya ng isang magandang tinig na buhat sa kung saan.  Dahil sa pananabik ay hinanap niya ang tinig na iyon.  Ang tinig ay buhat sa kuliglig.  Pinilit niyang hanapin ang kuliglig.  Sa kabutihang palad ay natagpuan niya ang kuliglig, dahil sa pagkagiliw niya sa tinig na iyon ay inusisa niya ang kuliglig kung ano ang sikreto ng kanyang magandang tinig.  Sinabi ng kuliglig na wala siyang sikreto.  Pinilit pa rin siya ng tupa.  Ibig na ibig ng tupa na maging kagaya siya ng tinig ng kuliglig.  Sinabi ng kuliglig na wala siyang kinakain kundi hamog.  Mahina na ang tupa ngunit hindi pa rin kumakain ng damo.  Hamog pa rin ang kanyang kinakain hanggang sa humina ang tupa.  Sa pagnanais ng tupa na maging tenor ay tiniis niyang hindi kumain ng damo at hamog lamang ang kanyang sinisipsip.  Kaya’t hindi nagtagal ang tupa ay namatay sa gutom.

Sanggunian: Rivera,
Crisanto C. Panitikang Pambata
(Kasaysayan at Halimbawa)
. Manila: Rex Bookstore, 1982, p. 59.

Learn this Filipino word:

hampás ng langit