Mga Alamat

(Legends)

Ang mga alamat ay kawili-wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakasulat.  Isa sa mga paksang malimit pagbatayan ng mga alamat ay ang paglalang sa daigdig at ang pinagmulan ng mga unang tao sa ibabaw ng lupa.  Ang lahat ng bansa halos ay may mga alamat ukol diyan.  Iba’t ibang paraan ang hinahabi sa guniguni ng mga nagsisisulat at nagsisikatha ng mga alamat upang maging kawili-wili ang kanilang pagsasalasay.

Karamihan sa mga alamat ay hindi nasusulat o kung nasusulat ma’y nito na lamang mga huling panahon napatitik.  Mga salaysay na nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga magulang at mga anak, ng mga nuno at mga apo, ang marami sa mga alamat na ating pinananabikang basahin ngayon.  Sa bawat pagkasalin, sa bawat bibig na pagdaanan, ang isang alamat ay karaniwan nang nagdaragdag ng kariktan, palibhasa ang bawat isa’y nagpapasok ng inaakala niyang lalo pang pampaganda sa kanyang kuwento.

Sanggunian: Edroza, Genoveva at Alejandro, Rufino. Diwang Ginto - Ikatlong Bahagi. Manila: Philippine Book Company, 1949, p. 72.

Learn this Filipino word:

kadáupang-palad
 
Subscribe to RSS - Mga Alamat (Legends)