Tagalog version of Legends “Mga Alamat”Tagalog version of Legends “Mga Alamat”

Ang Alamat ay mga kuwento ng ating mga ninuno na nagpapaliwanag ng mga pinagmulan ng ngalan o kung bakit nagkaganoon ang mga bagay o pook, tao, hayop o mga pangyayari sa ating bansa.  Ang alamat ay pagsasalaysay na nagpasalin-salin sa bibig ng tao.

Sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas, makikita ang pagkakaroon ng dalawang mukha nito bunga ng pagbabagong anyo mula sa panahon ng mga katutubo at panahon ng impluwensiya ng kulturang Kastila.

Ang tema at nilalaman ng mga alamat noong panahong bago dumating ang impluwensiya ng kultalamaturang dayuhan ay umiikot sa paniniwala sa mga bathala, anito at mga ispiritong supernatural.  Nang dumating ang mga Kastila, nagbago ang tema at nilalaman ng mga alamat.  Ito ay nakatutok na sa mga karaniwang karanasan at pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.  Ang mga tauhang gumaganap ay kumakatawan sa mga makatotohanang pangyayari sa lipunang ginagalawan ng mga tao nang panahong iyon.

Learn this Filipino word:

lamán ng kapitbahay