Mga Tugmang Tagalog

(Tagalog Nursery Rhymes)

"Tugmang Tagalog" or "Nursery Rhymes" are traditional poem or song for young children in the Philippines. Here are some examples of "Tagalog Nursery Rhymes":

1. Putak, putak!
Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!

2. Tiririt ng maya,
tiririt ng ibon,
ibig mag-asawa’y walang ipalamon
tiririt ng ibon, tiririt ng maya
ibig mag-asawa’y wala namang kaya.

3. Puwing, puwing
magtago ka sa dingding,
bukas kita hahanapin,
pag nariyan ka pa rin,
bubudburan ka naming
ng sambuktong asin.

4. Ulan, ulan
pantay kawayan;
bagyo, bagyo
pantay kabayo.

5. Tutubi huwag kang magpahuli
sa batang mapanghi.

6. Isda kong kapak
nasa loob ay burak.

7. Isda kong gaga sapsap
gagataliptip kalapad
kaya bakikipusag,
ang kalaguyo ay apahap.

8. Ang paghahangad ng tuwa
di karali-raling lubha
kung ang pagkikita’y bigla
bigla rin ang pagkawala.

9. Sitsiritsit, alibangbang
salaginto’t salagubang
ang babae sa lansangan
kung gumiri’y parang tandang.

10. Pen pen de sarapen
de kutsilyo de almasen
haw haw de kalabaw
batuten,
sipit namimilipit
ginto’t pilak namumulaklak
sa tabi ng daan
sayang pula, tatlong pera
sayang puti, tatlong salapi
nene tago piya.

Pages

Learn this Filipino word:

buhay-alamáng
 
Subscribe to RSS - Mga Tugmang Tagalog (Tagalog Nursery Rhymes)