Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay.  Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

A deer passes a carabao plowing in the field: I pity you, carabao; you are always working for others.  After the rice has grown, you're not allowed near it.  I go where I please. A few days later, hunters carry the deer tied to pole, pass the place where carabao is still working.

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.  Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki.  Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga. Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

May isang binatang nagmana ng sandaang ulo ng baka nang mamatay ang kanyang mga magulang.  Siya’y naging malungkutin kaya ninais niyang mag-asawa.  Siya’y nagpatulong sa kanyang mga kapitbahay sa paghanap ng makakasama habang buhay.

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu.  Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari:

Sa gitna ng isang malawak na gubat sa labas ng kaharian ng Albanya na nababagtas ng ilog Kositong makamandag ang tubig, ay nakagapos ang isang kaawa-awang tao sa isang puno ng Higera.  Siya si Florante, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.  Unti-unting pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang gubat ay sadyang nakakatakot.  Mga mababangis na hayop ang gumagala dito, ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang malalaking punongkahoy ay tunay na nakakasindak.

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat.  Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matatanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.

Taga-lunsod sina Roy at Lorna.  Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon.  Marami at sariwa ang pagkain sa bukid.  Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Pages