Mga Mabuting Samaritano

(Parabula / Parable)

Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punungkahoy at doon na rin niya kinain ang kanyang pananghalian. Nang siya ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay. Isang pari ang napadaan at nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at pinainom ng alak, pagkatapos painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot niya ang sugat at binalot niya ng kumot at binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. Nang mabuti na ang kanyang pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa nagmamay-ari ng tahanan na kanyang tinutuluyan na tingnan mabuti ang istranghero at muling nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

Learn this Filipino word:

ináalon ang dibdib