Ang Alamat ng mga Hayop na Nagkapakpak upang Lumigaya ang mga Bulaklak
Ito’y magandang alamat ng paru-paro at bulaklak. Noong unang panahon sa daigdig o kaharian ng mga halaman ay malungkot ang mga bulaklak. Hindi katulad ng mga punong-kahoy na kasuyo ang hangin, ng ibang halaman na iniibig ng bubuyog, ng mga tao at mga hayop na may kanya-kanyang asawa o kasintahan, ang bulaklak ay nangungulila pagkat walang matatawag na kalaguyo.
Hindi nalalaman ng bulaklak , na isang klase ng hayop na parang malaking uod ang nalulungkot din. Kasi’y pangit at walang pumapansin. Ang hayop na ito ay nabubuhay lamang sa paggapang sa lupa. Walang malayong mararating, kaya nagkakasya na lamang sa pagtingin-tingin sa anomang bagay na nakatatawag pansin. Isang araw, ang bulaklak at ang nasabing hayop ay nag-usap Kawawa naman tayo
ang sabi ng bulaklak. Hindi tayo makaparis sa iba. Oo nga
ang sagot ng hayop. Sinabi ng hayop na: Mas mabuti ka pa dahil may nagkakagusto na sa iyong bango. Subalit ako ay bale wala.
Kung mapaliligaya lamang kita…
ang sabi ng bulaklak.
At kung magaganti ko lamang ng kabutihan ng iniisip mo sa akin, siguro’y magiging maligaya tayong pareho,
ang sabi ng munting hayop pero hindi kita maaabot hindi tayo magkalapit
.
Naririnig ng Diyos ng kaharian ng mga halaman ang usapan ng dalawa. Tinubuan ng awa ang Diyosa at ang sabi kung magkalapit na kayo’y kayo ba’y magmamahalan?
Mabilis na sumang-ayon ang munting hayop gayun din ang mabangong bulaklak.
Hinipan ng Diyosa ang munting hayop. Isang milagro ang nangyari at noon din ay nagkaroon ng magandang pakpak at kahit siya pangit ito ay gumanda. Lumipad ang hayop na nagkapakpak at hinalikan ang bulaklak.
Nakaramdam ng tuwa at ligaya ang bulaklak, gayundin ang hayop na nagkapakpak pagkat parehong noon lamang nakatikim ng halik.
Mula noon, ang bulaklak at ang hayop na nagkapakpak na tinatawag na paru-paro ay lagi nang nagsusuyuan. Naging walang kamatayan ang kanilang pagmamahalan.