Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak.