Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli.  Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao.  Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.  Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki.  Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga. Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan. Awang-awa siya rito. Matanda na ang pulubing babae.  Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil walang pamilya.

Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap.  Isang araw, ang kaisa-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit.  Hindi mapalagay ang datu. Tanod, may sakit ang anak ko.  Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot.  Ngayon din! Ngayon din po, Mahal na Datu! Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng Datu. . .

Once there lived a young crocodile on the bank of the Pasig River.  He was so fierce and so greedy that no animal dared to approach him.  One day while he was resting on a rock, he thought of getting married.  He said aloud, I will give all that I have for a wife.  As he pronounced these words, a coquettish peahen passed near him.  That naughty crocodile expressed his wish again.  The coquette listened carefully, and began to examine the crocodile's looks.

Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar.  Malayo pa ang kanilang lalakbayin.  Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom.  Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain.  Dalawang batis na ang kanilang dinaanan.  Uminom silang lahat sa dalawang batis.  Napawi naman ang kanilang uhaw.  Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding gutom.

Maganda ang panahon.  Mainit ang sikat ng araw.  Maaga pa lamang ay gising  na si Langgam.  Nagluto siya at kumain.  Pagkatapos, lumakad na siya.  Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain.  Isang butil ng bigas ang nakita niya.  Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay.  Nakita siya ni Tipaklong.

Magaganda at mababango ang mga bulaklak sa ating bansa.  Isa na rito ang bulaklak ng Dama de Noche.  Natatangi ito sa mga bulaklak sapagkat lunti ang kulay nito at sa gabi ito humahalimuyak sa bango.  Narito ang isang kuwento na nagpapaliwanag kung bakit sa gabi humahalimuyak sa bango ang bulaklak ng Dama de Noche.

Pages