Kapag may paglalaho o eklipse, ang mga tao sa Lanaw at Kotabato ay nangasisigawan.  Hinahampas nila ang mga lata at bakal upang magkaingayan.  Ito’y upang mawala raw agad ang eklipse.

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan.  Siya ay malaki, mabilis at malakas.  Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Nang nilalang na ang lalaki, pinasiyahan ni Jupiter na gumawa ng babae upang ipadala sa daigdig.  Tinawag niya ang mga diyos at diyosa upang siya’y tulungan at sila’y sumang-ayon. Binigyan ni Venus ng kagandahan ang babae; binigyan ni Apollo ng hilig sa musika; binigyan ni Minerba ng dunong at kakayahan sa paghabi, at binigyan ni Merkuryo, nang mapaiba naman sa karamihan ng kaunting pagka-usyoso.

The tortoise and the monkey found once a banana tree floating amidst the waves of a river.  It was a very fine tree, with large green leaves, and with roots, just as if it had been pulled off by a storm.  They took it ashore.   Let us divide it, said the tortoise, and plant each its portion.

Noong araw sa bayan ng Paete, Laguna ang mga tao ay hindi lumiliban sa pagsisimba.  Ang mag-asawang Edna at Manuel ay maagang naghanda upang dumalo sa banal na misa. Lubos na nagmamahalan ang mag-asawa at sa tuwina ay ipinagdarasal nila ang pagmamahalang ito upang lalo pang yumabong.  Mahal na mahal ni Manuel ang asawa lalo pa dahil dinadala nito ang binhi ng kanilang pag-iibigan.

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan.  Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa.  Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.  

Noong araw, may isang punong ligaw na tumutubo sa gubat.  Ito ay napakaganda.  Ang dahon nito ay pinung-pino.  Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin.  Dahil dito, naging mapagmalaki ang punong ligaw.

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.  Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya.  Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid.  Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan.  Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.

Pages