Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana. Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa lugod ang mga kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang magmana ng setro at korona ng kaharian ng Berbanya.