Kabuuang Teksto ng Lam-ang (epikong Ilocano) - Page 13 of 17
(Tagalog version)
Ito naman ang sagot nila:Ay kasi, anak naming Lam-ang,
Ngayo'y nararapat mo ring balikan
Yaong bahay mong pinanaugan
Doon sa bayan ng Nalbuan
At sabihin mo ang lahat sa iyong ina.
Sinabi ni Lam-ang:Ay amang pinagkakautangan
At ikaw ring inang Unnayan,
Sa pagbabalik ni Lam-ang
Pakinggan ninyo ang dagundong
Ng kanyong papuputukin ko.
Nagpaalam na si Lam-ang
Sa bayan ng Calanutian
Lumakad siya nang lumakad
Pauwi sa kanila.
At winika
Ng babaing si Cannoyan:Amang pinagkakautangan
At ikaw rin inang Unnayan,
Huwag kayong mag-alaala
Balantukan sana natin
Gayakan sana natin
Ang daan patungong dalampasigan
Na parang pista ng Corpus Christi.
Sagot kay Cannoyan
Ng ama at ina niya:Magagawang walang sala
Ang lahat ng kagustuhan mo
Nang wala kang masabi,
Anak naming Cannoyan.
Dumating din si Lam-ang
Doon sa bayan niyang Nalbuan
At sinabi niya kay NamonganNagagalak ako't
Ika'y nasa mabuting kalagayan
Kararating ko, ina, buhat sa
Bayan ng Calanutian
Bayan ni Donya Ines Cannoyan.
Sinabi ni Namongan:Anak ko, sa awa ng Diyos
Na di magagantihan
Ang ina mo'y mabuti naman.
Anak, maitanong ko naman
Kamusta ang iyong lakad?
Sumagot yaong tandang
Manok na paa'y dilaw:Magiging manugang mong walang sala
Ang babaing si Cannoyan.
Sinabi rin ni Lam-angPatunugin mo ang gimbal
Nang pumarito nga
Ang lahat ng kababayan
Tayo'y maglalakbay
Sa dalawang sasakyan.
Doon ilululan
Ang mga kagamitang kailangan
Sa paghahain sa pigingan
Gaya ng mga mangkok at pinggan
Baboy at pati na kambing
Mga gulay at maraming isda
At mga abubot na kailangan
Na palamuti sa kasalan
Mga bangang maliit at malaki
Mga kawa at kawali
Baso pang inuman
At bubog sa salaminan.
At nang natipon na nila
Ang lahat ng mga kababayan
Ipinaliwanag ni Lam-ang
Sa mga naroon sa katipunan:Kayong lahat na mga kababayan,
Kayo sana'y lumulan
Sa dalawang sasakyan
Halikayo't dumalo
Sa piging ko at kami'y ikakasal
Ni Donya Ines Cannoyan.
At nang nakasakay na
Ang lahat ng kanyang mga kababayan
Sinabi ngayon ni Lam-ang:Ay ina kong Namongan,
Ihanda mo na rin
Ang mga isusuot ni Cannoyan
Yaong tsinelas na may burda
Na gintong dalisay
At singsing niyang solitaryo
Yaong paineta niya
At dalawang pulseras.
Nilikom ito ng ina niya
Saka binalot na lahat
Kanyang inihanda
Para sa manugang niyang si Cannoyan.