Tagalog version of Epics “Mga Epiko”Tagalog version of Epics “Mga Epiko”

Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.  Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan.  Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.  Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap, at lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, sapagkat ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito.  (Crisanto C. Rivera, 1982)

Dahil sa ang mga ito ay mahahabang salaysay, minabuting isama na lamang rito ang maiikling buod ng ilang lalong kilalang epiko.

Learn this Filipino word:

isáng kahig isáng tukâ