Uri ng Epiko

  1. Epikong Sinauna

    Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon.  Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani – na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang pambansang layunin o mithiin.  Ito’y karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga katangiang kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa.  Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon.  Ang Beowulf ng Inglatera, Siegfried ng Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga halimbawa ng epikong sinauna.

  2. Epikong Masining

    Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan.  Nahahawig sa epikong pambayani, nasusulat sa isang marangal na kabuuan at nahihinggil sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa.  Ngunit naiiba sa pangyayaring ang makata sa isang pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang may pagkakahawig sa epikong pambayani.  Ang epikong Iliad at Odyssey ni Homer, ang Paradise Lost ni Milton, ang Florante at Laura ni F. Balagtas; Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano, Malolos ni Benigno Ramos ay halimbawa ng epikong masining.

  3. Epikong Pakutya

    Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at naglalayong na kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng panahon ng tao.  Halimbawa: Ang Pangginggera ni Lope K. Santos.

Learn this Filipino word:

bungang-araw