Kabuuang Teksto ng Lam-ang (epikong Ilocano) - Page 2 of 17

(Tagalog version)

Naggayak na nga't lumisan
Ang asawa niyang si Don Juan
At nang doon siya'y dumatal
Umikot siya sa punong kawayan
Saka rin niya kinawayan
Ang hangin upang bunutin ang kawayan
Ang ulan ay bumuhos
Mula sa ulap na tila bangin
Kidlat at lintik ang naghalinhinan
Linusob nila ang punong kawayan
Parang ginupitan
Ng buhok ang kawayan.

Ay kay sagwa at kahiya-hiya
Kung kayong mga kawayan ay pasanin ko pa

Nauna ang mga kawayan
At sumunod si Don Juan.
At nang kanyang narating
Yaong bahay na pinanaugan
Kusang nagsalansan ang mga kawayan
Sa bakuran.

At sinabi ng babaing si Namongan:
Ay asawa kong Don Juan,
Kailangan ko ng panggatong para sa panganganak
Na molabe at gasatan
Dangla[9] at bayabas na tinalupan.
At bumili ka rin sana
Ng banga at kalan
Na siyang pag-iinitan
Sa aking pampaligo pagkapanganak

At palayok na pang-isahan
Na siyang paglalagyan
Ng inuman ng ating anak.
At nang lahat ng mga ito ay naroon na
Noon di'y lumisan si Don Juan
Sumalunga sa ilog
Pumunta sa bundok na kaitim-itiman
Upang makipaglaban
Sa mga Igorot na tatuan.

Samantala'y iniluwal ni Namongan
Ang nabuong dugo sa sinapupunan.
Kung sinu-sino ang tinawag nilang
Hilot na magpapaanak
Si Tandang Marcos na maninisid
Si Alisot at Pas-hong mayaman
Wala naman palang nakapaanak.
Mayroon naman silang naalala
Yaong matandang babaing kubang-kuba
Na malalakas ang mga daliri.[10]
At nang napaanak na niya
Ang babaing si Namongan
Isang lalaki ang lumuwal
Noon di'y nagsalita ang bata:
Ay ina, kasing Namongan,
Pag ako'y iyong pabibinyagan
Lam-ang ang sa aki'y ingalan
At ang magiging ninong ko ay si Tandang Gibuan.

[9] Na molabe at gasatan
Dangla
at bayabas na tinalupan = mga uri ng kahoy.

[10] Na malalakas ang mga daliri = Na wala nang lakas ang mga daliri sa bersiyon ni Yabes.  Ito ay hindi naaangkop at inihalili lamang sa bersiyon ni Medina.

Learn this Filipino word:

takaw-tingín