Mga Salawikain ukol sa Pakikipagkapwa - Page 3 of 16

(Proverbs on Relating with Others)

Ang ibong magkakabalahibo
Ay sumasamang magkakalaguyo.

Birds of the same feather flock together.

Ang tumatanggi sa grasya
Lumalabo ang mata.

He who rejects a blessing, develops poor eyesight.

Walang mainam na bulag
Na di gaya noong nagbubulagbulagan.

None are so blind as those who won’t see.

Huwag ipagmataas ang iyong yaman,
Iya’y di mo madadala sa iyong libingan.

Boast not of your wealth, for you cannot bring that to your grave.

Damit na hiniram mo lamang
Kung di masikip ay maluwang.

Borrowed clothes are either too tight or are too loose.

Ang mangungutang
Ay maraming masayang gunitain
Kaysa nagpapautang.

The borrower has more happy memories than the lender.

Ang paghihiraman
Ay simula ng hinanakitan.

Borrowing is the beginning of resentments.

Learn this Filipino word:

mahál na tao