Mga Salawikain ukol sa Pamumuhay
(Proverbs on Survival Skills)
Bawasan ang salita, dagdagan ang gawa.
More action fewer words.
Ang takot sa ahas, di dapat lumakad sa gubat.
He who is afraid of snakes should not walk in the forest.
Ang maagap daig ang masipag.
He who is alert excels him who is industrious.
Kung sinong umaako ay siyang napapako.
He who answers for someone gets into trouble.
Ang tumutulad sa langgam,
Hindi manghihiram ng ikabubuhay.
Whoever emulates the ant shall never borrow his means of livelihood.
Maagap na umilag ka
Sa masamang malayo pa.
Quickly avoid the evil that is still distant.
Sa larangan ng digmaan,
Nakikilala ang tapang.
In the field of battle, courage is known.
Walang karapatang mamili ng handog,
Ang nanghihingi lang sa kapwa ng limos.
Beggars cannot be choosers.