Mga Salawikain ukol sa Pamumuhay - Page 4 of 24

(Proverbs on Survival Skills)

Ang di nakikipagsapalaran,
Walang kayamanang inaantay.

He who does not take chances can expect no riches.

Huwag mong bibilangin ang sisiw
Hangga’t di pa napipisa ang itlog.

Don’t count the chicks until the eggs are hatched.

Walang manok na tumanggi sa palay.

No chicken rejects palay.

Ang palay ay hindi lalapit sa manok.

Palay (unhusked rice) grains will not approach a chicken.

Anak na palayawin,
Ina ang patatangisin.

A spoiled child will make his mother weep.

Ang laki sa layaw,
Karaniwa’y hubad,
Sa bait at muni’t
Sa hatol, ay salat.

A child reared in ease is usually without good sense and judgment.

Ang gawa sa pagkabata,
Dala hanggang tumanda.

What one does as a child, he will do in old age.

Anak na pinaluha,
Kayamanan sa pagtanda.

The child who is made to cry will be his parents’ wealth in their old age.

Learn this Filipino word:

humáhanap ng katí ng katawán