Two Eastern Fables / Dalawang Pabulang Silanganin - Page 9 of 15

by Dr. José Rizal

(Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Bilingual (English-Tagalog) version

First, they requested that peace be made with the crabs; thus they introduced the king of the monkeys to enter their hole unattended, and seated him on the earth.  The monkey, not suspecting any plot, took the hibashi, or poker, to stir up the slumbering fire, when bang!  Went the egg, which was lying hidden in the ashes, and burned the monkey’s arm.  Surprised and alarmed, he plunged his arm in to the pickle-tub in the kitchen to relieve the pain of the burn.  Then the bee, which was hidden near the tub, stung him sharply in the face, already wet with tears.  Without waiting to brush off the bee, and howling bitterly, he rushed for the back door; but just then some sea-weed entangled his legs and made him slip.  Then came the pounder, tumbling on him from a shelf, and the mortar, too, came rolling down on him from the roof of the porch, and broke his back and so weakened him that he was unable to rise up.  Then out came the crabs in a crowd and brandishing on high their pincers, pinched the monkey to pieces.

Una’y hiniling ng mga nagsidalo ang pakikipagkasundo ng mga alimango; inamuki nila ang hari ng mga matsing na mag-isang pumasok sa kanilang lungga at saka pinaupo sa lupa.  Walang ano mang paghihinala ang matsing.  Kinuha nito ang hibashi[4] upang paningasin ang tila nag-aantok na apoy nang biglang pumutok ang itlog na nakatago sa abo at pinaso ang bisig ng matsing.  Nabigla’t natakot ang matsing kaya buong pagmamadaling inilubog ang kaniyang bisig sa lalagyan ng atsara upang agad maalis ang kirot ng napasong bisig.  Biglang lumabas ang bubuyog at sinigid ang mukha ng matsing na noo’y basang-basa na sa luha.  Hindi na nakuhang paalisin ang bubuyog sa mukha, umuungal na tumakbo ang matsing na patungo sa pintong panlabas, ngunit siyang pagpupulupot sa kaniyang mga binti ng mga damong-dagat na siya niyang ikinarapa.

Buhat sa mataas na kinalalagyan ay binagsakan siya ng halo.  Tumalon ang lusóng sa bubong at pinagulungan siya.  Nabalian ang likod ng matsing, nawalan siya ng lakas, at hindi nakatindig.  Pagkatapos ay nagsilabas ang maraming alimangong nangagtaas ang mga panipit, at saka sinipit siya hanggang sa magkahiwa-hiwalay ang kaniyang katawan.

[4] Sipit sa kalan.

Learn this Filipino word:

nagbuntót ng masamá