Two Eastern Fables / Dalawang Pabulang Silanganin - Page 8 of 15

by Dr. José Rizal

(Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Bilingual (English-Tagalog) version

The monkey had picked up a persimmon-seed, and the crab had a piece of toasted rice-cake.  The monkey seeing this, and wishing to get something that could be turned to good account at once, said; ‘Pray, exchange that rice-cake for this persimmon-seed.’  The crab, without a word, gave up his cake, and took the persimmon-seed and planted it.  At once it sprung up, and soon became a tree so high, one had to look up at it.  The tree was full of persimmons, but the crab had no means of climbing the tree.  So he asked the monkey to climb up and get the persimmons for him.  The monkey got up on a limb of the tree and began to eat the persimmons.  The unripe persimmons he threw at the crab, but all the ripe and good ones he put in his pouch.  The crab under the tree thus got his shell badly bruised, and only by good luck escaped into his hole, where he lay distressed with pain and not able to get up.  Now, when the relatives and household of the crab heard how matters stood, they were surprised and angry, and declared war and attacked the monkey, who leading forth a numerous following, bid defiance to the other party.  The crabs, finding themselves unable to meet and cope with this force, became still more exasperated and enraged, and retreated into their hole, and held a council of war.  Then came a rice mortar, a pounder, a bee, and an egg, and together they devised a deep-laid plot for revenge.

Hawak ng matsing ang napulot na buto ng kaki[2] at ang alimango naman ay may isang pirasong tinapay.[3]  Nakita ng matsing ang pagkain ng alimango at sa kaniyang kasakiman ay agad nagwika : Ipagpalit mo na nga ang iyong pagkain sa aking buto ng kaki.  Walang sinabi anuman ang alimango nang ibigay ang kaniyang pagkain sa matsing.  Kinuha niya ang buto ng kaki at saka itinanim ito.  Madaling tumubo ang buto hanggang sa maging isang mataas na punongkahoy.  Nahitik ito sa dami ng bunga, ngunit ang alimango’y hindi makaakyat.  Pinakiusapan niya ang matsing na siyang umakyat at mamitas ng mga bunga.  Umakyat ang matsing at sa isang sanga ng punongkahoy at sinimulan niyang kanin ang mga bunga ng kaki.  Ipinukol niya sa alimango ang mga hilaw na bunga samantalang ang mabubuti at mga hinog ay kaniyang kinain.  Nabasag ang talukap ng alimango sa tama ng pukol ng matsing.  Sa kabutihang palad, ang alimango’y nakatakas pa rin at nakapasok sa lungga.  Dito’y buong paghihinagpis na nahiga siya, masakit ang katawan at hindi makabangon.  Nangagalit ang mga kamag-anak at kasambahay ng alimango nang malaman ang nangyari.  Nagpahayag sila ng pakikidigma at nilusob ang mga matsing.  Ang matsing ay maraming mga kasamang nagsisagupa sa mga kalaban.  Nakita ng mga alimangong hindi sapat ang kanilang lakas sa lakas ng mga kaaway.  Lalo silang nangapoot.  Nangagsiurong sa lungga at nagdaos ng isang tanging pulong upang pag-usapan ang pakikilaban.  Dumating ang lusóng, halo, bubuyog at ang itlog.  Samasama silang naglahad ng mabuting balak sa paghihiganti.

[2] Ang bunga ng kaki ay kasinlaki ng tsiko, may butong katulad din nito ngunit mamula-mula lamang ang kulay.

[3] Ito’y giniling na bigas, pinaaasuhan at saka iniluluto sa isang tanging lutuan.

Learn this Filipino word:

nábuká sa bibíg