Two Eastern Fables / Dalawang Pabulang Silanganin - Page 12 of 15

by Dr. José Rizal

(Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Bilingual (English-Tagalog) version

The Philippine banana tree is more natural than the persimmon-seed and the rice-cake in the Japanese tale.  Perhaps because there is no banana tree in Japan, the people have been obliged to adapt these modifications.  It seems too foolish or too wise to exchange a piece of toasted rice-cake for a persimmon-seed.  Besides, the toasted rice-cake shows more of a refined civilization than a mere banana tree.  Further, the phrases At once it (the persimmon-seed) sprung up, and soon become a tree so high…  The tree was full of persimmons, may more fitly be applied to a banana tree than a persimmon-seed.  Further, people often pull up a banana trees, as the heroes of our story do, plant them and get fruit (or the heart which brings the fruits) in three or four days.  The case is unnatural for a persimmon-seed.  So we think that the Tagal version is more natural.

Ang punong saging sa Pilipinas ay higit na totoo’t likas kaysa buto ng kaki at tinapang tinapay sa kuwentong Hapon.  Walang punong saging sa Hapon kaya marahil napilitan ang mga tao roong tanggapin ang mga pagbabago.  Marahil ay isang katalinuhan kaya ang pakikipagpalit ng isang pirasong tinapay sa buto ng kaki.  Ang tinapang tinapay ay nagpapakilala ng lalong maunlad na kabihasnan kaysa isang punong saging lamang.  Higit rito, ang pariralang, Ito (ang buto ng kaki) ay tumubo noon din, at naging isang punongkahoy…  Ang punongkahoy ay nahitik sa bunga ng kaki ay higit na nababagay sa isang punong-saging kaysa buto ng kaki.  Tangi pa rito, ang mga punong saging ay madalas na binubunot ng mga tao, gaya ng ginawa ng pangunang mga tauhan ng ating kuwento, itinatanim nila at pinipitas ang mga bunga (o ang pusong nagbibigay ng mga bunga) sa loob ng tatlo o apat na araw.  Ang pangyayaring ito ay hindi nangyayari sa buto ng kaki.  Kaya lubos ang aming paniniwalang higit na katutubo ang kuwentong Tagalog.

But the crab had no means of climbing the tree.  This phrase would be more correct in the case of a tortoise; we think the crab with its pincers and feet would climb as well as a monkey; at least, the crab climbs very well on any stone, wall, etc.  This impossibility of climbing, more natural in a tortoise, suggests the supposition that the crab was not in the original tale.

In what follows, the two fables nearly agree till we come to where the crab escapes into his hole.

Ngunit ang alimango’y hindi maaaring umakyat sa punongkahoy.  ang pariralang ito ay magiging lalong tama sa pagong; sa aming paniwala, ang alimangong may sipit at mga paa ay maaaring umakyat na katulad ng matsing; madaling naaakyat ng alimango ang alin mang bato, moog, at iba pa.  Ang hindi pagkamaaaring umakyat, na lalong akma sa pagong, ay nagbibigay-daang sapantahin na ang alimango ay wala sa unang kuwento.Sa mga sumusunod, ay mapapansin ang malapit na pagkakahawig ng dalawang pabula hanggang sa sumapit sa bahaging ang alimango’y tumakas at pumasok sa kaniyang lungga.

Learn this Filipino word:

pátawirin