Dalawang Pabulang Silanganin

(Isinalin sa Tagalog ni Federico B. Sebastion mula sa “Two Eastern Fables” ni Dr. José Rizal)

Tagalog version

May dalawang pabula, isa’y sa Hapon at ang isa nama’y sa Pilipinas.  Sa dalawang pabulang ito ay nasasangkap ang isang uri ng mga pag-uugali, at ang paghahalintulad sa mga ito, ay magdudulot marahil ng kasiyahan sa mga pantas-lahi.

Napag-aralan ng mga batang Pilipino sa kanilang mga unang taon ang kuwento ng Matsing at ng Pagong; o kung dili kaya’y tinatawag ito sa wikang Tagalog na Ang Buhay ni Pagong at ni Matsing.  Marahil ay wala nang iba pang kuwento sa panitikang Tagalog na lalong kilala’t alam maliban dito, kahit na marami pang ibang magaganda’t kawili-wili.

Dito’y mababakas ang maraming mga kasabihan, mga parirala’t mga halintularan na nababatay sa araw-araw na mga pangyayari.  Ang kuwento ay ang sumusunod:

Isang araw, ang matsing at ang pagong ay nakakita ng punong saging na lumulutang sa maalong tubig ng ilog.  Ito’y isang magandang puno, may malalaki’t luntiang dahon, at may mga ugat pang wari’y kabubuwal lamang pagkatapos ng bagyo.  Iniahon nila sa pampang ang punong saging.  Ito ay hatiin natin, ang sabi ng pagongat saka itanim.  Pinutol nila ang punong saging sa gitna.  Ang matsing ay higit na malakas kaysa pagong kaya naari niyang kunin ang gawing dulo, sa pag-aakalang ang may maraming dahon ang madaling tumubo.  Napasa-mahinang pagong ang gawing ibabang sa tingin ay pangit ngunit nagtataglay naman ng maraming ugat.

Nagtagpo ang dalawa pagkaraan ng ilang panahon.

G. Matsing, ang sabi ng pagong, kumusta ang iyong punong-saging?

Naku, ang himutok ng matsingmatagal nang patay! At ang iyo, Bb. Pagong?

Mabuti, napakabuti! ang sagot ng pagong.  Hindi lamang ako makaakyat sa puno at makapamitas ng mga bunga.

Bayaan mo, ang wika ng mapanlinlang na matsingako ang aakyat at mamimitas para sa iyo.

Pages

Learn this Filipino word:

pátabaing baboy