Ibong Adarna - Page 7 of 47
(Original Text in Ancient Tagalog)
133. Sa caniyang pagmamalas
sa dahong nagsisiquintáb,
gayon din naman ang lahat
na anaqui'i, guintóng uagás.
134. Ay ano'i, caguinsa-guinsá
na sa panonoód niya,
ay parang pinucao bagá
ang caniyang ala-ala.
135. Tinutóp nanga ang noó
at nag uica nang ganito,
abá at nalimutan co
yaóng bilin nang leproso.
136. Sa ibabá'i, tumingin siya
ay may bahay ngang naquita,
lumacad na capagdaca
itóng príncipeng masiglá.
137. Nang dumating sa hagdanan
napatano capagconan,
capagdaca ay dumungao
isang ermitañong mahal.
138. Pinapanhic na sa bahay
ang príncipeng si don Juan,
at ang ermitaño naman
ang pagcai'i, inilagay.
139. Umupo na sa lamesa
nagsalo silang dalaua,
ay sa príncipeng naquita
tinapay na limos niya.
140. At nag-uica capagdaca
sa loob niyang mag-isa,
itong tinapay cong dalá
ay baquit narito baga.
141. Yaóng aquing linimosán
leprosong gagapang-gapang,
sacá dito'i, ibá naman
ermitaño ang may tangan.
142. Ngayo'i, hindi maisip co
sa Dios itong secreto,
anaqui'i, si Jesucristo
ang mahal na ermitaño.
143. Nang matapos ang pagcain
ermitaño ay nagturing,
don Jua'i, iyong sabihin
cun anong sadyá sa aquin.
144. Isinagot ni don Juan
sa ermitañong marangal,
gayon po'i, iyong paquingan
at aquing ipagsasaysay.
145. Ang sadyá co po aniya
dahil sa ibong Adarna,
igagamót na talagá
sa hari pong aquing amá.
146. Ang sagot nang ermitaño
don Juan iyang hanap mo,
maghihirap cang totoo
at ang ibo'i, encantado.
147. Isinagót niya naman
cahit aquing icamatáy,
ituro mo po ang lugar
at aquing paroroonan.
148. Ang sagot nang ermitaño
don Jua'i, maquiquita co,
na cun bagá nga totoó
ang pagsunód sa amá mo.
149. Ang cahoy mong naraanan
cauili-uiling pagmasdan,
yaon ang siyang hapunán
nang ibon mong pinapacay.
150. Na cun siya'i, dumating na
sa cahoy ay magcacantá,
at ang gabi'i, malalim na
ualang malay cahit isá.
151. At cun yao'i, matapos na
nang caniyang pagcacantá,
pitó naman ang hichura
balahibong maquiquita.
152. Ay nang iyong matagalán
pitóng cantang maiinam,
quita ngayon ay bibiguian
nang maguiguing cagamutan.
153. Naito at iyong cuha
pitóng dayap at navaja,
ito'i, siyang gamót bagá
na sa ibong encantada.
154. Balang isang cantá naman
ang catauan mo'i, sugatan,
at sa dayap iyong pigán
nang di mo macatulugan.