Ibong Adarna

(Original Text in Ancient Tagalog)

AKLATAN NI JULIANA MARTINEZ

116 P. Calderon, Manila

Corrido at buhay na pinagdaanan nang tatlong principeng magcacapatid na anac nang haring fernando at nang reina valeriana sa cahariang berbania

 

 

1. Virgeng Ináng mariquit

Emperadora sa Langit,

tulungan po yaring isip

matutong macapagsulit.

2. Sa aua mo po't, talaga

Vírgeng ualang macapára,

acong hamac na oveja

hulugan nang iyong gracia.

3. Dila co'i iyóng talasan

pauiin ang cagarilán,

at nang mangyaring maturan

ang munting ipagsasaysay.

4. At sa tanang nangarito

nalilimping auditorio,

sumandaling dinguin ninyo

ang sasabihing corrido.

5. Na ang sabi sa historia

nang panahong una-una,

sa mundo'i nabubuhay pa

yaong daquilang monarca.

6. At ang caniyang esposa

yaong mariquit, na reina,

ang pangala't bansag niya

ay si doña Valeriana.

7. Itong hari cong tinuran

si don Fernando ang ngalan

ang caniyang tinubuan

ang Berbaniang caharian.

8. Ang haring sinabi co na

ay may tatlóng anác sila,

tuturan co't ibabadyá

nang inyo ngang maquilala.

9. Si don Pedro ang panganay

na anác nang haring mahal,

at ang icalaua naman

si don Diego ang pangalan.

10. Ang icatlo'i, si don Juan

ito'i siyang bunsong tunay,

parang Arao na sumilang

sa Berbaniang caharian.

11. Ito'i, lalong mahal baga

sa capatid na dalaua,

salang malingat sa mata

nang caniyang haring amá.

12. Para-parang nag-aaral

ang manga anác na mahal,

malaqui ang catouaan

nang hari nilang magulang.

13. Ay ano'i, nang matuto na

yaong tatlóng anác niya,

ay tinauag capagdaca

nitong daquilang monarca.

14. Lumapit na capagcuan

ang tatlóng príncipeng mahal,

cordero'i, siyang cabagay

nag-aantay pag-utusan.

15. Anáng hari ay ganitó

caya co tinauag cayó,

dito sa itatanong co

ay sabihin ang totoó.

16. Linoob nang Dios Amá

na cayo'i, nangatuto na,

mili cayó sa dalaua

magpare ó magcorona.

17. Ang sagót nila at saysay

sa hari nilang magulang,

capua ibig magtangan

nang corona't, cetrong mahal.

18. Nang itó ay maringig na

nang haring canilang amá,

pinaturuan na sila

na humauac nang espada.

19. Sa Dios na calooban

sa canilang pag-aaral,

di nalao'i, natutuhan

ang sa armas ay pagtangan.

20. Ito'i, lisanin co muna

yaong pagcatuto nila,

at ang aquing ipagbadyá

itong daquilang monarca.

21. Nang isang gabing tahimic

itong hari'i, na-iidlip,

capagdaca'i, nanaguinip

sa hihigán niyang banig.

22. At ang bungang panaguimpan

nitong hari cong tinuran,

ang anác na si don Juan

pinag lilo at pinatay.

Pages

Learn this Filipino word:

makalaglág-matsíng