Ibong Adarna - Page 6 of 47

(Original Text in Ancient Tagalog)

111. Sa limang tinapay bagá

na baon niyang talaga,

iisa na ang natira

na pangpauing gutom niya.

112. Nang matapos nang pagcain

sumalunga siyang tambing,

sa aua nang Ináng Vírgeng

ualang hirap na dinating.

113. Nang dumating sa ibabao

ang príncipeng si don Juan,

doo'i, caniyang dinatnán

isang leprosong sugatán.

114. Anitong leproso't, badyá

maguinoó po aniya,

na cun may baon cang dalá

aco po'i, limosán mo na.

115. Sa Dios po alang-alang

aco'i, iyong cahabagán,

cun gumaling ang catauan

ay aquin ding babayaran.

116. Isinagot ni don Juan

aco nga'i, mayroong taglay,

natirang isang tinapay

na aquing baon sa daan.

117. Dinucot na capagdaca

yaong tinapay na isa,

caniyang ibinigay na

sa leproso na naquita.

118. Anitong matanda't, saysay

pasasaan ca don Juan,

sabihin mo't, iyong turan

ang layon mo't, iyong pacay.

119. Anang príncipe at badyá

ganito po'i, maquinig ca,

sasabihin cong lahat na

ang sadya cong quiniquita.

120. Ang ama co'i, may damdam

sa banig ay nararatay,

ang ibong Adarna lamang

ang caniyang cagamutan.

121. Bucód dito ang isa pa

ngayon ay tatlóng taón na,

na hindi co naquiquita

ang capatid cong dalauá.

122. Anitong leproso bagá

don Juan maghihirap ca,

at sa pagca't, encantada

yaon ngang ibong Adarna.

123. Nguni't, ngayon ang bilin co

ay itanim sa pusó mo.

at nang hindi sapitin mo

na icáo ay maguing bató.

124. Sa iyong paglalacad diyan

ay may cahoy na daratnan,

diquít ay di ano lamang

cauili-uiling titigan.

125. Doo', huag tumiguil ca

na sa cariquitan niya,

totoong ualang pagsala

don Jua'i, mamamatay ca.

126. Sa ibaba'i, tumanao ca

may bahay cang maquiquita

ang magtuturo ay siya

doon sa ibong Adarna.

127. Yaring limos mong tinapay

ay cunin mo na don Juan,

nang may canin ca sa daan

sa láyo nang paroroonan.

128. Anitong príncipe't, badyá

ugali pagcabata na,

na cun mailimos co na

ay di co na quinucuha.

129. Pinipilit na ibigay

ang limos niyang tinapay,

umalis na si don Juan

siya'i, hindi pinaquingan.

130. Sa mahusay na pag-lacad

nitóng príncipeng marilág,

sumapit siyang liualas

sa cahoy na Piedras Platas.

131. Nang maquita ni don Juan

yaong cahoy na malabay,

loob niya'i, natiguilan

sa gayon ngang cariquitan.

132. Naualá sa ala-ala

yaóng bilin sa caniya,

parang naencanto siya

sa cahoy niyang naquita.

Learn this Filipino word:

hindî sa pangungunang baít