Ibong Adarna - Page 5 of 47
(Original Text in Ancient Tagalog)
89. Si don Jua'i, naghihintay
na siya ay pag-utusan,
aayao tauaguin naman
nang hari niyang magulang.
90. Siya nanga'i, nagcusa na
dumulog sa haring amá,
nag-uica capagcaraca
nang ganitong parirala,
91. Aco po'i, pahintulutan
nang haring aquing magulang,
aco ang quiquita naman
nang iyo pong cagamutan.
92. Ngayon ay tatlóng taón na
hindi dumarating bagá,
ang capatid cong dalaua
saquít mo po'i, malubha na.
93. Ang sagót nang haring mahal
bunsóng anác co don Juan
cun icao ay mahiualay
lalo co pang camatayan.
94. Mapait sa puso't, dibdib
iyang gayác mo't, pag-alís,
hininga co'i, mapapatid
cun icao'i, di co masilip.
95. Isinagót ni don Juan
ó haring aquing magulang,
sa loob co po'i, masucal
mamasdan quitang may damdam.
96. Cundi mo pahintulutan
ang aquing pagpapaalam,
ay di mo mamamalayan
ang pag-alis co't, pagpanao.
97. Sa uinicang ito naman
ang hari ay natiguilan,
at segurong magtatanan
ang príncipeng si don Juan.
98. Lumuhod na capagdaca
sa haráp nang haring amá,
bendición po'i, igauad na
siya cong maguing sandata.
99. Capagdaca'i, guinauaran
at siya'i, binendicionan,
at sa reinang iná naman
ay lumuhód capagcuan.
100. Ay ano'i, nang matapos na
na mabendicionan siya,
ay nagtindig capagdaca
itong príncipeng masiglá.
101. Ang despensa ay binucsán
nuha nang limang tinapay,
siyang babaunin lamang
sa talagang parurunan.
102. Di sumacay sa cabayo
nag-lacad nangang totoo,
ang príncipe nganing itó
cabunducan ang tinungo.
103. Doon sa paglacad niya
ualang tauong naquiquita,
paratí sa ala-ala
ang Vírgen Santa María.
104. Cung mahustong isang buan
paglacad niya sa parang,
ay siyang pagcain lamang
nang isang baong tinapay.
105. Sa isang buan ang isa
nang pagcaing muli niya,
parang nagpepenitencia
nang sa ibon ay pagquita.
106. Madai't, salita naman
at di co na pahabaan,
ay naguing apat na buan
pag-lacad niya sa parang.
106. Sa aua nang Vírgen Iná
cay don Juan de Berbania,
ay dumating capagdaca
sa daan na pasalunga.
108. Nang sa príncipeng matignan
taas niyong cabunducan,
lumuhód siya't, nagdasál
sa Vírgeng Ináng marangal.
109. Aco'i, iyong caauaan
Vírgeng calinis-linisan,
at aquin ding matagalán
itong mataas na daan.
110. Nang siya'i, matapos naman
pagtauag sa Vírgeng mahal,
nuha nang isang tinapay
at cumain capagcuan.