Ibong Adarna - Page 2 of 47
(Original Text in Ancient Tagalog)
23. Ang dalauang tampalasang
sa caniya ay pumatáy,
inihulog at iniuan
sa balón na calaliman.
24. Sa pananaguinip bagá
nitong mahal na monarca,
nagbangon capagcaraca
sa hihigán niyang cama.
25. At hindi nanga na-idlip
sa malaqui niyang hapis,
sa hirap na masasapit
niyong bunsong ini-ibig.
26. Ito ang niyang dahilán
nang sa bungang panaguimpan
tuloy ipinagcaramdam
at sa banig ay naratay.
27. Nagpatauag nanga rito
marurunong na médico,
dili masabi cun anó
ang saquit nang haring itó.
28. Sa gayong carami bagá
medicong tinauag nila,
ay ualang macapagbadyá
sa saquít na dinadalá.
29. Ay mayroon namang isá
na bagong cararating pa,
siyang nagpahayag bagá
saquit nang bunying alteza.
30. Ang damdam mo haring mahal
ay galing sa panaguimpán,
sa iyo'i, aquing tuturan
ang iyo pong cagamutan.
31. May isang ibong maganda
ang pangalan ay Adarna,
cun marinig mong magcantá
ang saquít mo'i, guiguinhaua.
32. Sa Tabor na cabunducan
ang siyang quinalalaguian,
cahoy na hinahapunan
Piedras Platas ang pangalan.
33. Cun arao ay uala roon
itong encantadang ibon,
sa iba sumasalilong
at nagpapaui nang gutom.
34. Cun gabing catahimican
ualang malay ang sino man,
ay siyang pag-oui lamang
sa Tabor na cabunducan.
35. Cayá mahal na monarca
yao'i, siyang ipacuha,
gagaling pong ualang sala
ang saquít mong dinadalá.
36. Nang sa haring mapaquingan
ang caniyang cagamutan,
capagdaca'i, inutusan
ang anác niyang panganay.
37. Si D. Pedro'i, tumalima
sa utos nang haring amá,
iguinayác capagdaca
cabayong sasac-yán niya.
38. Yao nanga't, lumacad na
cabunducan ang pinuntá,
at hahanaping talagá,
mahal na ibong Adarna.
39. Mahiguit na tatlong buan
paglacad niya sa párang,
at hindi nga maalaman
ang Tabor na cabunducan.
40. May dinatnang landás siya
mataas na pasalungá,
tumahan capagcaraca
itong príncipeng masiglá.
41. Sa masamáng capalaran
sa Dios na calooban,
nang dumating sa ibabao
cabayo niya'i, namatáy.
42. Di anong magagaua pa
uala nang masac-yán siya,
ang bastimento'i, quinuha
at lumacad capagdaca.
43. Sa Dios na calooban
na sa tanong bininyagan,
dumating siyang mahusay
sa Tabor na cabunducan.
44. May cahoy siyang naquita
na tantong caaya-aya,
sa caagapay na ibá
siyang tangi sa lahat na.