Ibong Adarna - Page 10 of 47

(Original Text in Ancient Tagalog)

199. Nang ito'i, maringig na

ang sabi nilang dalauá,

ang saquít ay lumubhá pa

nitong daquilang monarca.

200. Saca ang ibong marilág

balahibo'i, nangu-ngulág,

di magpaquita nang dilág

sa haring quinacaharap.

201. Ang uica nang hari bagá

itó ang ibong Adarna,

anong samá nang hichura

sa ibong capua niyá.

202. Ang sinabi nang medico

na ito rao ibong itó,

ay may pitóng balahibo

na tantong maquiquita mo.

203. At cun ito ay magcantá

lubhang caliga-ligaya,

ngayo'i, nangasaan bagá,

at di niya ipaquita.

204. Hindi pa nga nagcacantá

itong ibong encantada,

at sapagca nga uala pa

ang cumuha sa caniya.

205. Ito'i, aquing pabayaan

ang di niya pagsasaysay,

at ang aquing pagbalicán

ang príncipeng si don Juan.

206. Ano ang casasapitan

nang umuguin ang catauan,

hindi naman macagapang

sa guitna nang cabunducan.

207. Di anong magagauá pa

nang di macaquilos siya,

ang nasoc sa ala-ala

tumauag sa Vírgeng Iná.

208. Aniya'i, ó Vírgeng mahal

anó cayang naisipan,

manga capatid cong hirang

at aco'i, pinag-liluhan.

209. Ang boo cong ala-ala

caming tatlo'i, tiuasáy na,

mahusay na maquiquita

mahal naming haring amá.

210. O bacá pa caya naman

ay sa ibon ang dahilan,

at caya pinahirapan

sila ang ibig magtangan.

211. Cun sinabi nila sana

ang maghauac na ay sila,

yao'i, gaano na bagá

di ibigay sa canila.

212. Cayo naua'i, pagpalain

nang Dios at Ináng Vírgen,

gaua ninyong di magaling

ang guinhaua'i, siyang datnin.

213. Nagpanibagong nangusap

ang príncipeng na sa hirap,

ó Vírgeng Ináng marilág

amponin mo di man dapat.

214. Aco'i, iyong calarahin

cay Jesús Anác mong guilio,

magdalita't, patauarin

sa manga gaua cong linsil.

215. At doon sa oras naman

cun aco ma'i, mama matáy,

caloloua co'i, hugasan

nang caniyang dugóng mahal,

216. Ay anó'i, caguinsa-guinsa

sa pananalangin niya,

isang matanda'i, eto na

at nag-uica capagdaca.

217. Don Juan ay pagtiisan

ang madla mong cahirapan,

di na malalaong arao

guinhaua'i, iyong cacamtan.

218. Ang cataua'i, hinipo na

at hinilot nanga siya,

gumaling na capagdaca

at siya'i, nacatindig na.

219. Hayo't, lacad na don Juan

moui ca sa caharian,

di pa gumagaling naman

ang haring iyong magulang.

220. Lumacad na at umalis

itong príncipeng mariquít,

lagay ay cahapis-hapis

damit pa ay punit-punit.

Learn this Filipino word:

magkabiyák na bao