Ibong Adarna - Page 9 of 47
(Original Text in Ancient Tagalog)
177. Ang uica nang ermitaño
itong bangá ay dalhin mo,
madalí ca at sundin mo
ang ipinag-úutos co.
178. Muha ca nang tubig naman
dalauang bató ay busan,
nang sila ay magsilitao
manga capatid mong hirang.
179. Si don Jua'i, lumacad na
ang banga'i, caniyang dala,
sumaloc nang tubig siya.
at ang bató'i, binusan na.
180. Si don Pedro'i, ang nauna
na siyang nabusan niya,
lumitao capagcaraca
at hindi namamatay pa.
181. Umuling sumaloc naman
si don Diego ang binusan,
nagquita silang mahusay
at hindi pa namamatay.
182. Malaquing pasasalamat
nang magcapatid na liyag,
ualá silang maibayad
cay don Juang manga hirap.
183. Sila'i, agad napatungo
sa bahay nang ermitaño,
at naghain nanga rito
pinacain silang tatló.
184. Ay ano'i, nang matapos na
nang pagcain sa lamesa,
capagdaca ay quinuha
garrafang may lamáng lana.
185. At caniyang pinahiran
yaong sugat ni don Juan,
gumalíng agad nabahao
at ualang bacás munti man.
186. Nag-uica ang ermitaño
mangagsi-ouí na cayó
magcasundó cayong tatló
at huag ding may mag-lilo.
187. Don Juan ay cunin mo na
iyang mariquit na jaula,
baca di datning buháy pa
ang monarcang iyong amá.
188. Bago umalis at nanao
ang príncipeng si don Juan,
ay lumuhód sa harapan
nang ermitañong marangal.
189. Napabendición nga muna
at saca sila'i, nalis na,
si don Pedro ay nagbadyá
cay don Diegong bunso niya.
190. Si don Juan ay magaling pa
hindí mahihiyá siya,
at siya ang nacacuha
nito ngang ibong Adarna.
191. Ang mabuti ngayon naman
ang gauin nating paraan,
patayin ta si don Juan,
sa guitna nang cabunducan.
192. Si don Diego ay nag-uica
iya'i, masamang acala,
ang búhay ay mauaualá
nang bunsóng caaua-aua.
193. Ani don Pedro at saysay
cun gayon ang carampatan,
umuguin ta ang catauan
at saca siya ay iuan.
194. Ito ang minagaling na
sa loob nilang dalaua,
ang cataua'i, inumog na
nang bunsong capatid nila.
195. Di anong casasapitan
nang pagtulungan sa daan,
ay di nanga macagaláo
ang príncipeng si don Juan.
196. Quinuha na capagdaca
ang dalá nga niyang jaula,
nang dalaua't, omoui na
doon so reinong Berbania.
197. Nang sila'i, dumating na
sa canilang haring amá
ang ibong canilang dalá
nangulugó capagdaca.
198. Itinanong si don Juan.
nang hari nilang magulang,
sagót nang dalauá naman
di po namin naalaman.