Ibong Adarna - Page 4 of 47

(Original Text in Ancient Tagalog)

67. Nang siya'i, dumating naman

sa Tabor na cabunducan,

may cahoy siyang dinatnan

diquít ay di ano lamang.

68. Nang caniyang mapagmalas

ang cahoy Piedras Platas,

ang dahon ay cumiquintáb

diquít ay ualang catulad.

69. Ang nasoc sa ala-ala

nitong príncipeng magandá,

cahoy na caaya-aya

hapunán niyong Adarna.

70. Sa puno nang cahoy baga

may bató siyang naquita,

cristal ang siyang capara

nacauiuili sa matá.

71. Doon niya napagmalas

ang cahoy na Piedras Platas

ang balát ay guintóng uagás

anaqui'i, may piedrerías.

72. Sa toua niya't, ligaya

sa cahoy niyang naquita,

oras nang á las cinco na

madlang ibo'i, nagdaan na.

73. Sa gayong daming nagdaan

manga ibong cauan-cauan,

ualang dumapo isa man

sa cahoy niyang namasdan.

74. Ganitong diquit na cahoy

ualang ibong humahapon,

ito'i, di co mapagnoynoy

cahalimbaua co'i, ulól.

75. Ang cahoy na caagapay

mayroong ibong nagdaan,

ito'i, siyang tangi lamang

bucód na hindi dapuan.

76. Cahit anong casapitan

ay hindi co tutugutan,

na cun anong cabagayán

sa cahoy na gaua't, laláng.

77. Ay ano'i, nang lumalim na

ang gabí ay tahimic na,

doon sa batóng naquita

ay nangublí capagdaca.

78. Ay ano'i, caalam-alam

sa caniyang paghihintay,

siya na nganing pagdatál

nang ibong Adarnang mahal.

79. Dumapo na nganing agád

sa cahoy na Piedras Platas,

at naghusay nangang caguiat

balahibong sadyang dilág.

80. Sa príncipeng napagmasdan

ang sa ibong cariquitan,

icao ngayo'i, pasasaan

na di sa aquin nang camay.

81. Ay nang macapaghusay na

itong ibong encantada,

ay siya nangang pagcantá

tantong caliga-ligaya.

82. Sa príncipeng mapaquingan

ang voces na sadyang inam,

capagdaca'i, nagulay-lay

sa caniyang pagcasandal.

83. Sino cayang di maidlip

sa gayong tinig nang voces,

cun marinig nang may saquít

ay gagaling siyang pilit.

84. Macapitong hintó bagá,

ang caniyang pagcacantá,

pitó naman ang hichura

balahibong maquiquita.

85. Nang matapos nganing lahat

yaong pitóng pagcocoplas,

ay tumáe namang agad

itong ibong sadyang dilág.

86. Sa casam-ang capalaran

si don Diego ay natai-an,

ay naguing bató rin naman

cay don Pedro'i, naagapay.

87. Di anong magagaua pa

nang siya'i, maguing bató na,

paghihintay sabihin pa

nang haring caniyang amá.

88. Hindi niya mautusan

ang anác na si don Juan,

at di ibig mahiualay

cahit susumandalí man.

Learn this Filipino word:

kinain ng lahò