Bulaklak ng Kalinisan - Page 10 of 10

LAKANDIWA:

Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
nabaliw nang hindi kinababaliwan:
yaman ang panahon ay inyong sinayang
kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo,
ang iyong tulain ay Pagbabalik mo,
at ang Pasalubong sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKANDIWA:

Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
ay ikaw BUBUYOG ang tumula ngayon;
ang iyong tulain ay ang Pasalubong
ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,
sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan,
at kung ibig ninyong sila ay hatulan,
hatulan na ninyo pag dating ng bahay.

KATAPUSAN

Learn this Filipino word:

napasakan ang bibíg