Bulaklak ng Kalinisan - Page 3 of 10
LAKANDIWA:
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
magtuloy po kayo at dito sa hardin,
tingnan sa kanila kung sino at alin.
PARUPARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
ang bango ng mga bulaklak sa parang,
ngunit ang puso ko’y may napanagimpang
bulaklak ng lahing kalinis-linisan.Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
ubod ng ganda’t puti ang talulot,
bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
kapatak poi to ng lupang Tagalog,
kapatak na luhang pangala’y kampupot.Kung kaya po naman di ko masansala
ang taghoy ng dibdib na kanyang dinadaya,
matapos na siya’y diligin ng luha
nang siya’y umunlad, nagtago… nawala!Isang dapit-hapong palubog ang araw
sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
-- Paruparo, anya, kita’y tatalian,
ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
Isang panyong puting may dagta ng lason
ang sa aking mata’y itinakip noon,
at ang bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
nagtago pa mandin at aking hinabol,Hinabul-habol ko ang bango at samyo
hanggang makarating ako sa malayo,
at nang alisin na ang takip na panyo
wala si Kampupot, wala yaring puso.Ang taguang biro’y naging totohanan
hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
at ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
baliw na mistula sa pagsisintahan.Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
ay siya ang laging laman niring isip,
matulog man ako’y napapanaginip,
mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.Sa apat na sulok ng mundong payapa
ang aking tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.Ang sakdal ko’y ito, Lakandiwang mahal,
ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
at kung si Kampupot ay ayaw po naman,
ay ang puso niya sa aki’y ibigay.