Bulaklak ng Kalinisan - Page 7 of 10
PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
ikaw na malayo naman kaya’y pano?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino
ay ubos na pala yaong kanyang bango.Bubuyog na laging may ungol at bulong
ay nakayayamot saan man pumaron,
at ang katawan mo ay mayrong karayom
pano kang lalapit, di naduro tuloy?Di ka humahalik sa mga bulaklak,
talbos ng kamote ang siya mong liyag,
ang mga bintana’y iyong binubutas,
doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
iyong mga bulong ay naririnig ko;
kung dinig ng lahat ang panambitan mo
hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi naiibig ang nakikiusap
lalo ang tahimik na tapat-tapat,
kung ang magsalita’y di magtamong-palad
lalo na ang dungong di makapangusap.
Lilipad-lipad ka na payao’t dito
pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
pagligaw-matandang sa panahong ito
pagtatanawan ka ng liligawan mo.Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
ngunit saang panig nitong sansinukob
nakakatuwaan ang paris mong uod?Saka, Paruparo, dapat mong malamang
sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
ang panyong panali nang ikaw ay takpan
ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
PARUPARO:
Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,
pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.