Sa oras ng pagluluwal ng sanggol, kung hinihingi ng pagkakataon na isa lamang ang dapat mailigtas ay sino sa dalawa ang marapat na mabuhay… ang inang magluluwal o ang sanggol na isisilang? - Page 6 of 6
PABLO:
Kasabihan iyang sanggol na bawian niyang buhay,
Hindi ukol sa magulang kundi ari ng Maykapal;
Ngunit kapag isang ina ang sa lupa ay pumanaw,
Anong saklap gunitain at damhin sa kalooban;
Kaya nga ba, kabalagtas, ako’y iyong panaligan,
Na ang ina’t hindi sanggol ang s’yang dapat na mabuhay!
LAKANDIWA:
Sa paghatol ngayong gabi’y walang ibang pagkukunan,
Ni hindi ang aking isip at sariling kalooban;
Sa matuwid ito buhat ng hindi rin sino pa man,
Kundi pawang sa nagtalo, hinabi ko’t ibinatay.Mahalaga iyang puno kung sa kahoy iwawangki,
Kaysa bungang kung mahinog, pinipitas, nahihingi;
Kasabihan iyang anak, kapag buhay ay binawi,
Hindi ukol sa magulang, kundi Diyos ang may-ari;
Kaya huwag magtataka, kung ako man ay magtangi
At sabihing si Pablito, ang s’yang tunay na nagwagi!