Ang Unang Hari ng Bembaran - Page 4 of 6

(Alamat ng Maguindanao)

Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran.  Isang araw, habang ang Ayonan at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia namasdan ni Diwatandaw Gibon na kakaunti ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran.  Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao lamang na magtatamasa nito?  Tinanong niya ang asawa.  Ano ang palagay mo sa kaisipang ito?  Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang populasyon ng Bembaran?  Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dali’an at sa Minisalaw Ganding.

Nagulat ang prinsesa.  Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na binabalak niyang gawin ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran.  Malakas niyang sinabi, Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin ang balak mo.  Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa ng mga ibang babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito.  Sa palagay ko’y magiging mabuti para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling payagan mo ako.

Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, Huwag ka nang  mag-alala.  Nagbibiro lamang ako.  Pinangako niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso.  Umawit siya ng pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban.  Alam ko na nagpalungkot ito sa iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian.  Ang mag-isip, ang magbalak kumilos – ito ang mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae.  Dapat niyang pag-aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin ang mali at alin ang biro lamang.   Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya sa malaking panggaw.

Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak.  Sa palagay ko ay tama ka.  Dapat ngang magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran.  Makinig ka, kung kulangin ang iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin mo sa akin upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.

Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran at ipinahayag ang kanyang mga balak.  Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng piling tauhan si Diwatandaw Gibon sa panliligaw.  Una silang nagpunta sa Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw Ganding para kay Walayin Mangobabaw.

Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena’an ang lugar ni Pamanay Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kadera’an, inutos niyang patunugin ang mga agong upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa kanya at sa kanyang mga bagong asawa.

Learn this Filipino word:

masahol pa sa basáng upós