Ang Unang Hari ng Bembaran

(Alamat ng Maguindanao)

Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagama't di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na.  Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon.

At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito.  Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook.  Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.  Walang palagiang anyo ang ispiritung ito.  Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw at sa himpapawid, ito ay isang garuda.  

Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan.  Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta sa torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin.  Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon.  Ang lahat ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar.  Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo.  Pagkatapos ay namataan niya ang isang mangingisdang nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan.  Tinawag niya ito at tinanong Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba't ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?  

Ngumiti ang mangingisda at nagsalita:  Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito.  Ito’y tinatawag na Minango’aw at ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog.  Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa pook.

Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila.  Marami ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda at maaaring nakita niya ang lugar.  Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y marami ring nalakbay at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito.  Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala siya:  Mag-ingat ka sa iyong sinasabi.  Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y di ko narinig ang ganyang lugar.  Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin naming ang lugar na ito, at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito.   Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito.  Lumundag siyang palabas sa torogan.  Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong.  Nang sumunod na araw, naghanda sila sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan.  Nang handa ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan, sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan ang Minago’aw.  Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon lugar.

Pages

Learn this Filipino word:

pinakagát