Punò Nang Salitâ - Page 16 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

271 Iyóng cautan~gan paroong mag-adia,
nunò mo ang Hari sa bayang Crotona;
dugò cang mataás, ay dapat cumita
nang sariling dan~gál, at bunyí sa guerra.

272 Sa pagca,t, matouid ang sa Haring saysáy,
umayon si amá cahi,t, mapaít man,
nang agád masubò sa pagpapatayan
ang ca battan co,t, di cabihasahan.

273 Acó,i, ualang sagót, na na-ipahayag
cundî _Haring poo,t,_ nagdapâ sa yapac,
nang aquing hahagcán ang mahal na bacás,
cúsang itinindíg at mulíng niyacap.

274 Nag-upuán cami,t, sacá nag panayám
nang balabalaqui,t, may halagáng bagay,
nang sasalitín co ang pinag-daanan
sa bayang Atenas na pinangalin~gan.

275 Siyang pamimitác at cúsang nag sabog
nang ningning, ang tálang ca-agáo ni Venus,
anaqui ay bagong umahon sa búbog,
buhóc ay nag lugay sa perlas na bátoc.

276 Touáng pan~galauá cong hindî man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig,
ó ang lualhating búcó nang ninibig
pain ni Cupidong ualáng macáraquip.

277 Liuanag nang muc-há,i, ualang pinag-ibhan,
cay Febo cong anyóng bagong sumisilang,
catao-ang butihin ay timbáng na timbáng
at mistulang ayon sa hinhín nang ásal.

278 Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos
bulaclác na bagong uinahi nang hamóg,
anopa,t, sino mang paláring manoód
pátay ó himalâ cong hindî umirog.

279 Itó ay si Laurang iquinasisirà
nang pag-iisip co touing magunitâ,
at dahil nang tanáng himutóc at luhà
itinutuno co sa pagsasalitâ.

280 Anac ni Linceong haring napahámac,
at quinabucasan nang aquing paglíyag:
baquit itinulot lan~git na mataás,
na mapanoód co, cong dî acó dapat?

281 ¡O haring Linceo cong dî mo pinilit
na sa salitaan nati,i, maquipanig
ang búhay co disi,i, hindî nagcasáquit
ngayong pagliluhan nang anác mong ibig!

282 Hindî catoto co,t, si Laura,i, dî tacsíl
¡aiuan cong ano,t, lumimot sa aquin!
ang pálad co,i, siyang alipusta,t, linsil
di laáng magtamó nang touâ sa guiliu.

283 ¿Macacapit caya ang gauang magsucab
sa pinacayaman nang lan~git sa dilág?
cagandaha,i, báquit di macapagcalág
nang pagca capatid sa maglilong lácad?

284 Cong nalalagáy ca ang mamatouirín,
sa láot nang madláng súcat ipagtacsíl,
¿dili ang dan~gal mong dapat na lingapin
mahiguit sa ualáng cagandaha,t, ningning?

285 Itó ay hámac pa bagáng sumangsalà
ng carupucán mo, at gauíng masama?
¡cung anó ang taás, n~g pagcadaquilà,
siyaring lagapác namán cong marapá.

286 O bunyíng guerrerong! na-auà sa aquin,
pag silang na niyaong nabagong bitoín,
sa pagcaquita co,i, sabáy ang pag guiliu,
inagao ang púsong sa Iná co,i, hain.

287 Anopa,t, ang lúhang sa mata,i, nanágos
nang pagca-ulila sa Iná cong irog,
na tungcol sa sintá,t, púso,i, nan~gilabot
bacâ di marapat sa gayóng alindóg.

288 Hindî co maquita ang patas na uicà
sa caguluhan co,t, pagca-ualáng diuà
nang maqui-umpóc na,i, ang aquing salitâ,
anhin mang touirin, ay magcacalisiyâ.

Learn this Filipino word:

gasgás ang bulsá