Punò Nang Salitâ - Page 14 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

235 Tutulun~gang quitá n~gayóng magpalalâ
nang hapdî sa púsong di co ma-apulà,
namatáy si Iná ay laquing dálitâ
itó sa búhay co ang unang umiuà.

236 Patáy na dinampó sa aquing pagbasa
niyóng letrang titic ng biguing na pluma
¡diyata Amá co at nacasulat ca
n~g pamatíd búhay sa anác na sintá!

237 May dalauang oras na dî nacamalay
n~g pagca-tauo co,t, n~g quinalalag-yán,
dan~gan sa calin~ga n~g casamang tanán
ay dî mo na acó na casalitaan.

238 Nang mahimasmasa,i, narito ang sáquit,
dalauá cong matá,i, naguing parang bátis,
ang ¡ay! ¡ay! Ina,i,! cong cayâ mapatíd
ay nacalimutan ang paghin~gáng guipít.

239 Sa panahóng yaó,i, ang boó cong damdám
ay nanao sa aquin ang sangdaigdigan,
ang-iisá acó sa guitnâ ng lumbay
ang quinacabaca,i, sarili cong búhay.

240 Hinamac ng aquing pighatíng mabangís
ang sa Maestro cong pang-aliu na voses,
ni ang lúhang túlong ng samang may hapis,
ay di naca-auás sa pasán cong sáquit.

241 Baras ng matouid ay linapastangan
ng lubháng marahás na capighatian,
at sa isang titig ng palalong lumbáy
diua,i, lumilipád niyaring cati-isan.

242 Anopa,t, sa bangís ng dusang bumugsò
minamasaráp cong mutóc yaring púsò
at ng ang camandág na nacapupunò
sumamang dumaloy sa ágos ng dugò.

243 May dalauáng buang hindî nacatiquím
acó ng linamnám ng payapa,t, aliu,
icalauang súlat ni ama,i, dumatíng
sampo ng sasakiang sumundo sa aquín.

244 Saád sa calatas ay bigláng lumulan
at acó,i, omoui sa Albaniang bayan
sa aquing Maestro ng napaaálam
aniya,i, Florante bilin co,i, tandaan.

245 Houag malilin~gat, at pag ingatan mo
ang higantíng handâ ng Conde Adolfo
pailág-ilágang parang baselisco
súcat na ang titig na matáy sa iyó.

246 Cun ang isalubong sa iyóng pagdating,
ay masayáng muc-ha,t, may paquitang giliu,
lalong paingata,t, caauay na lihim
siyang isa-isip na cacabacahin.

247 Dapoua,t, houag cang magpapahalatá
taróc mo ang lalim n~g caniyang násà
ang sasandatahi,i, lihim na ihandâ,
n~g may ipagtangol sa arao ng digmâ.

248 Sa mauica itó lúha,i, bumalisbís,
at acó,i, niyacap na pinacahigpít,
hulíng tagubilin
bunsó,i, catiti-is
at hinhintay ca ng maraming sáquit.

249 At mumul-án mona ang paquiquilaban
sa mundóng bayaning púnong caliluhan

hindî na natapus, at sa calumbayan
piniguil ang dilà niyang pagsasaysáy.

250 Nagca-bitiu caming malunbáy capouá
tanáng ca-escuela mata,i, lumuluhà
si Minandro,i, labis ang pagdarálitâ
palibhasa,i, tapát na capouà batà.

251 Sa pagca-calapat n~g balicat namin
ang mut-yáng catoto,i, di bumitiu-bitiu
hangang tinulutang sumama sa aquin
ng aming maestrong caniyang amaín.

252 Yaóng pa-alama,i, anopa,t, natapos
sa pagsasaliuan n~g madláng himutóc,
at sa cain~gaya,t, guló n~g _adios_
ang buntóng hinin~gá ay naquiquisagót.

Learn this Filipino word:

pagbuhatan ng kamáy