Punò Nang Salitâ - Page 15 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

253 Mag pahangang daóng ay nagsipatnubay
ang aquing maestro,t, casamang iiuan;
homihip ang han~gi,t, agád nahiualáy
sa pasig Atenas ang aming sasaquián.

254 Bininit sa búsog ang siyang catulad
n~g túlin n~g aming daóng sa paglayag,
cayá dî nalaon paá co,i, yumapac
sa dalampasigan ng Albaniang Ciudad.

255 Pag-ahon co,i, agád nagtuloy sa Quinta,
dî humihiualay ang catotong sintá;
pag-halíc sa camáy n~g poong cong Amá.
lumala ang sáquit n~g dahil cay Iná.

256 Nagdurugong mulî ang sugat n~g púsò
humiguít sa una ang dusang bumugsò,
nauicang casunód n~g lúhang tumulò
¡ay Amáng! casabay n~g báting ¡ay bunso!

257 Anopa,t, ang aming búhay na mag amá
nayapus n~g bangís n~g sing-isang dusa,
cami ay dinatnáng nagcacayacap pa
niyaóng Embajador n~g bayang Crotona.

258 Nacapangaling na sa Palacio Real,
at ipinagsábi sa Harì ang pacay
dalá,i, isang súlat sa Amá cong hirang
titic ng Monarcang caniyang bianan.

259 Humihin~ging túlong, at na sa pan~gambá
ang Crotonang Reino,i, cubcób n~g cabaca,
ang púnò n~g hocbo,i, balita n~g siglá
General Osmalic na bayaning Persa.

260 Ayon sa balita,i, pan~galauá itó
ng Principe niyang bantóg sa sangmundó
Aladíng quilabot n~g m~ga guerrero
iyóng cababayang hinahan~ga-ang co.

261 Dito napangití ang morong ca-usap
sa nagsasalita,i, tumugóng banayad
aniya,i, bihirang balita,i, magtapát
cong magcatotoó ma,i, marami ang dagdág.

262 At sacá madalás ilalâ n~g tapang,
ay ang guniguning tacot n~g calaban,
ang isang guerrerong palaring magdiuang
mababalita na at pan~gin~gila~gan.

263 Cong sa catapan~ga,i, bantóg si Aladín
may búhay rin namáng súcat na maquitíl;
iyóng matatantóng casimpantáy morin
sa casamáng pálad at daláng hilahil.

264 Sagót ni Florante, houag ding maparis
ang guerrerong bantóg sa pálad cong amis
at sa ca-auay ma,i, di co ninanais
ang lahí ng dúsang aquing napagsapit.

265 Matantô ni Amá ang gayóng sacunà
sa Crotonang baya,i, may balang sumirà
acó,i, isinama,t, humaráp na biglá.
sa haring Linceong may gayac n~g digmá.

266 Camí ay bago pang nanaquiát sa hagdán
n~g Palaciong batbát n~g hiyas at yaman,
ay sumalúbong na ang Haring marangál,
niyacap si Amá,t, acó,i, quinamayán.

267 Ang uica,i, ó Duque, ang quiás na itó
ang siyang camuc-há n~g bunying guerrero,
aquing napan~garap na sabi sa iyó,
maguiguing haligui n~g Cetro co,t, Reino.

268 ¿Sino ito,t, saán nangaling na Ciudad?
ang sagót ni Amá ay bugtóng cong anác
na inihahandóg sa mahal mong yápac
ibilang sa isang vasallo,t, alagád.

269 Namanghâ ang harî at niyacap acó,
mabuting panahón itóng pagdatíng mo,
icao ang general nang hocbóng dadaló
sa bayang Crotonang quinubcób nang moro.

270 Patotohanan mong hindî ibá,t, icao,
ang napan~garap cong guerrerong matapang,
na naglalathalá sa sangsinucuban
nang capurihán co at capangyarihan.

Learn this Filipino word:

nagsísikíp ang ilóng