Punò Nang Salitâ - Page 12 of 23
(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)
199 Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu
mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin,
inaacala pa lamang ang hilahil,
na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.
200 Para n~g halamang lumaguí sa tubig,
daho,i, malalantá munting dî madilig,
iquinalolo-óy ang sandaling init,
gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.
201 Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá,
dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá,
ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.
202 Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád
sa bait at muni,t, sa hatol ay salát,
masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap,
habág n~g magulang sa irog na anác.
203 Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál
ang isinasama n~g báta,i, nunucál
ang iba,i, marahil sa capabayaan
nang dapat magturong tamád na magulang.
204 Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás,
cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac,
at ipinadalá acó sa Atenas,
bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.
205 Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól
sa isang mabait, maestrong marunong
lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,
lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.
206 May sangbouan halos na dî nacacain,
lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil;
n~guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu
n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.
207 Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral
caparis cong bata,t, cabaguntauhan,
isa,i, si Adolfong aquing cababayan,
anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.
208 Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá
sa dalá cong edad na lalabing-isá,
siyang pinopoón n~g boong escuela,
marunong sa lahát na magcacasama.
209 Mahinhín ang asal na hindî magasó
at cong lumacad pa,i, palaguing patungó,
mabining man~gúsap at ualáng catalo
lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.
210 Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran
n~g nagcacatipong nagsisipag-aral,
sa gauâ at uica,i, dî mahuhulihan
n~g munting panirà sa magandang asal.
211 Ni ang catalasan n~g aming maestro
at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó,
ay hindî nataróc ang lihim at tungo
ng púsong malihim nitong si Adolfo.
212 Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan
cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo,
yaong namumunga n~g caligayahan,
nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
213 Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela,
bait ni Adolfong ipinaquiquita,
dîco malasapán ang haing ligaya
n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.
214 Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin,
ayauan cun baquit at naririmarim,
si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin,
nararamdamán co cahit lubháng lihim.
215 Arao ay natacbó, at ang cabata-an
sa pag-aaral co sa qui,i, nananao,
bait co,i, luminis at ang carunungan
ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
216 Nataróc ang lalim n~g filosfía,
aquing natutuhan ang astrología,
natantóng malinis ang catacá-tacá
at mayamang dunong n~g matemática.