Punò Nang Salitâ

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

1 Sa isang madilím gúbat na mapanglao
dauag na matinic, ay ualáng pag-itan,
halos naghihirap ang cay Febong silang
dumalao sa loob na lubhang masucal.

2 Malalaquing cahoy ang inihahandóg
pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót
huni pa n~g ibon, ay nacalulunos
sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.

3 Tanáng mga baguing, na namimilipit
sa sangá ng cahoy, ay balót n~g tinic
may bulo ang bun~ga,t, nagbibigay sáquit
sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.

4 Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy
pinaca-pamuting nag ungós sa dahon
pauang culay lucsa, at naquiqui ayon
sa nacaliliong masangsang na amoy.

5 Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,
na ang lilim niyaón ay nacasisindác
ito,i, ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad,
na nacadidilím sa loob ng gubat.

6 Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagalâ
caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la,
Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila,
ng búhay n~g tauo,t, daiguíng capoua.

7 Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit
n~g Avernong Reino ni Plutong masun~git
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig
n~g ilog Cocitong camandag ang túbig.

8 Sa may guitnâ nito mapanglao na gubat
may punong Higuerang daho,i, culay pupás,
dito nagagapos ang cahabag habag
isang pinag usig n~g masamang palad.

9 Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig
cahit natatalì camay, paá,t, liig
cundî si Narciso,i, tunay na Adonis
muc-ha,i, sumisilang sa guitnâ n~g sáquit.

10 Maquinis ang balát at anaqui buroc
pilicmata,t, quilay mistulang balantók
bagong sapóng guinto ang cúlay n~g buhóc
sangcáp n~g cataua,i, pauang magca-ayos.

11 Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,
gúbat na Palacio n~g masidhing Harpías,
nangaaua disi,t, na acay lumiyag
sa himaláng tipon n~g caricta,t, hirap.

12 Ang abáng oyamin n~g dálita,t, sáquit
ang dalauang mata,i, bucál ang caparis,
sa lúhang nanatác, at tinan~gis-tan~gis
ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.

13 Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan?
n~gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay
bago,i, ang bandilà n~g lalong casam-an
sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?

14 Sa loob at labás, n~g bayan cong sauî
caliluha,i, siyang nangyayaring harî
cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî
ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.

15 Ang magandang asal ay ipinupucól
sa láot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong
balang magagalíng ay ibinabaón
at inalilibing na ualáng cabaong.

16 N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób
sa trono n~g puri ay inalulucloc
at sa balang sucáb na may asal hayop
maban~gong _incienso_ ang isinusuob.

17 Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
santong catouira,i, lugamì at hapô,
ang lúha na lamang ang pinatutulô.

18 At ang balang bibíg na binubucalán
nang sabing magalíng at catutuhanan
agád binibiác at sinisican~gan
nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.

Pages

Learn this Filipino word:

mag-urong ng kinanan