Punò Nang Salitâ - Page 6 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

91 Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan
cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay,
ang dî nagsi-ayo,i, natatacot naman
bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.

92 Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig,
nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz
ang panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git
na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.

93 Ninanásà mo pang acó,i, matabunan
n~g bangcay sa guitnâ n~g pagpapatayan,
nang houag mahúlog sa panirang camay
ng Conde Adolfong higuit sa halimao.

94 Pananalan~gin mo,i, dî pa nagaganáp
sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác
naanáo sa bibig mong hulíng pan~gun~gusap,
ang _adios bunso,t,_ búhay mo,i, lumipas.

95 ¡Ay amang amá co! cong magunam-gunam
madlâ mong pag irog at pagpapalayao
ipinapalaso n~g capighatian
luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.

96 Ualáng icalauáng amá ca sa lupà
sa anác na candóng ng pag-aarugâ
ang munting hápis cong sumungao sa muc-hâ,
sa habág mo,i, agad nanálong ang lúhâ.

97 Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin,
sampô niyaring búhay ay naguing hilahil,
amá co,i, hindî na malaong hihintín
aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.

98 Sandaling tumiguil itóng nananangis,
binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís
niyaóng na aauang morong naquiquinyig,
sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.

99 Tinutóp ang púsò at saca nag say-say
'cailan a iya lúha co,i, bubucál
n~g habág cay amá at panghihinayang
para ng panaghóy ng nananambitan?

100 Sa sintáng inagao ang itinatan~gis,
dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis
yaó,i, nananaghóy dahil sa pag-ibig
sa amang namatáy na mapagtang-quilic.

101 Cun ang ualang patid na ibinabahá.
n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà
sa m~ga palayao ni amá,t, arugà
malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.

102 N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig
sa muc-hâ,t, dibdib cong laguing dumidilig
cay amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís
hindî sa anduca, at pagtatang-quilic.

103 Ang matatauag cong palayo sa aquin
n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin,
agauan n~g sintá,t, panasa-nasaing
lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.

104 ¡May para cong anác na napanganyayá
ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà
hindi nacalasáp kahit munting touà
sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!

105 Napahintô rito,t, narin~gig na mulî
ang pananambitan niyaóng natatalî,
na ang uica,i, Laurang aliu niyaring budhî
pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.

106 Lumaguì ca naua sa caligayahan
sa haráp n~g dîmo esposong catipán,
at houag mong datnín yaring quinaratnán
n~g casign linimot, at pinagliluhan.

107 Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin,
mahal ca rin lubha dini sa panimdím,
at cong mangyayari hangáng sa malibíng
ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.

108 Dîpa natatapos itóng pan~gun~gusap
may dalauang Leóng han~gós ng paglacad,
siya,i, tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad;
n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.

Learn this Filipino word:

nábukó