Punò Nang Salitâ - Page 4 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

55 Halina Laura,t, aquing cailangan
n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao,
n~gayón hinihin~gî ang iyong pag-damay;
ang abáng sintá mo,i, na sa camatayan.

56 At n~gayóng malaqui ang aquing dálitâ,
ay dî humahanap nang maraming lúhâ,
sucat ang capatác na maca-apulâ
cun sa may pag sintang púsò mo,i, mag mulâ.

57 Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig,
tigní ang súgat cong dí gauâ nang cáliz
hugasan ang dugóng nanálong sa guitguít
nang camay co, paa,t, natataling li-ig.

58 Halina, irog co,t, ang damít co,i, tingnán,
ang hindî mo ibig dampioháng calauang
calaguín ang lubid, at iyong bihisan,
matinding disa co,i, nang gumaán-gaán.

59 Ang m~ga matá mo,i, cun iyóng ititig
dini sa anyô cong sadlacan nang sáquit
upanding mapiguil ang tacóng mabilís
niyaring abáng búhay sa icapapatíd.

60 Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan;
damhín nang camay mo ang aquing catauan,
at bangcay man aco,i, mulíng mabúbuhay!

61 N~guní ¡sa abáco! ¡ay sa laquing hirap!
ualâ na si Laura,i, laquing tinatauag!
napalayo-layo,t, di na lumiliyag,
ipinag cánolò ang sintá cong tapát.

62 Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyayà
ang púsong aquin na, at aco,i, dinayá
boóng pag-ibig co,i, ipinan~ganyaya
linimot ang sintá,t, sinayang ang luhá.

63 Alin pa ang hirap na dî na sa aquin?
may camatayan pang dîco dadamdamín?
ulila sa Amá,t, sa Ináng nag-angquin,
ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.

64 Dusa sa puri cong cúsang siniphayò,
palasong may lasong natiric sa púsò;
habág sa Amá co,i, túnod na tumimo;
aco,i, sinusunog niyaring panibughò.

65 Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap,
pag dayà ni Laura ang cumacamandág
dini sa búhay co,i, siyang magsa-sadlac
sa lingin~gang la-án ng masamáng palad.

66 O conde Adolfo,i, ilinapat mo man
sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban,
ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan,
ang púsò ni Laura,i, cong hindî inagao.

67 Dito nag-himutóc ng casindac-sindác
na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat
tinangay ang diua,t, caramdamang hauac
n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.

68 Sa púno n~g cahoy ay napa-yucayoc,
ang li-ig ay supil n~g lúbid na gapos,
bangcay na mistula,t, ang culay na buroc
n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lubós.

69 Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat
n~g isang guerrerong bayani ang ticas,
putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad

70 Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano,
anaqui ninita ng pag-pahingahán
di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan
ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.

71 Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric
sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git,
estátua manding nacatayo,t, umíd,
ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.

72 Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò,
sa punó n~g isang cahoy ay umupô
nag-uicang _ó palad_ sabay ang pagtulò,
sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.

Learn this Filipino word:

háharáp sa magaling