Punò Nang Salitâ - Page 7 of 23
(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)
109 Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis
sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit,
nan~ga-catingala,t, parang naquinyig
sa dî lumilicat na tin~gistan~gis.
110 ¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus,
n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp,
na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg
isang camatayang caquila-quilabot!
111 Dî co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác,
na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap,
pusò co,i, nanglalambot sa malaquing habág
sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.
112 ¡Sinong dî mahapis na may caramdaman
sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,
lipus n~g pighati sacá tinutunghán,
sa lamán at butó niya, ang hihimáy!
113 Catiualâ na n~gâ itóng tiguib sáquit
na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit,
linagnát ang pusò,t, nasirâ ang voses,
dína mauatasan halos itóng hibic.
114 Paalam Albaniang pinamamayanan
n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan,
acóng tangulan mo,i, cusa mang pinatay,
sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.
115 Sa loob mo naua,i, houag mamilantic
ang panirang talím n~g catalong caliz;
magcá espada cang para ng binitbit
niyaring quinuta mong canang matang-quilic.
116 Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò
sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò
at inibig mopang hayop ang mag bubò,
sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.
117 Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà
cundî pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà
¿dî maca-iláng cang babaling masirá
ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?
118 Dustáng camatayan ang bihis mong bayad;
dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat,
cong pacamahali,t, houag ipahamac
ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.
119 Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít
n~g camatayan man sa tapát cong dibdib;
¡ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig,
magdarayang sintang di manao sa ísip!
120 Bayang ualáng loob, sintáng alibughâ,
Adolfong malapit, Laurang magdarayâ,
magdiuang na n~gayo,t, manulos sa touâ,
at masusunod na sa aquin ang násà.
121 Na sa harap co na ang lalong maraual,
mabin~gís na lubháng lahing camatayan
malulubos nan~ga ang inyóng casamán,
gayon din ang aquing aalipustaán.
122 ¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura
mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá!
itó ang mapait sa lahat nang dusa,
¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
123 Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya
dî mo tatapunang ng camunting lúhà,
cong yaring búhay co,i, mahimbíng sa ualà
dî babahaguinan n~g munting gunitâ!
124 Guni-guning itó,i, lubháng macamandág
ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás,
túlò caloloua,t, sa mata,i, pumulàs,
cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.
125 Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit
nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig;
houag yaring buháy ang siyang itan~gis
cundî ang pagsintang lubós na na-amis.
126 Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác,
guerrero,i, hindî na napiguil ang habág,
tinuntón ang voses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbucás n~g landás.